
Will Jessy Mendiola’s mom file a case against Enrique Gil?
Maliban kina Luis Manzano, Jessy Mendiola at JM De Guzman, kung mayroon pang isang taong labis na nasaktan sa naging insidente sa eroplano kung saan nakapagsalita ng mga maaanghang ang aktor na si Enrique Gil, ito’y walang iba kung hindi ang butihing ina ng aktres na si Jessy Mendiola na si Gng. Didith Garvida.
Maraming natanggap na komento si Jessy nang mag-post ito sa Instagram ng kanyang saloobin. Dahil dito’y umani ng batikos at puna ang aktres mula sa avid fans ng tambalang LizQuen (Liza at Enrique). Tinawag nilang “papansin,” “wala nang career,” at kung anu-ano pang masasakit na salita si Jessy na siyang ikinasama ng loob ng ina ng aktres.
Sa isang komento, sinabi ng ina ni Jessy na hindi naayos sa London ang naging gulo sa pagitan ng kanyang anak at ni Enrique. “It was not settled in London and you better stop now. There might be consequences for you bashing Jessy. Maaalanganin. Kaya stop na kayo. Overacting kayo. Itigil ninyo na iyan. I’m warning again ha,” sabi pa ni Gng. Garvida.
Napagalaman na binabalak magsampa umano ng kaso si Gng. Garvida laban kay Enrique sa ilalim ng cybercrime law kung hindi titigilan at lulubayan ng avid fans ng LizQuen si Jessy.
Kamakailan nga ay humingi na ng paumanhin via public apology ang aktor na si Enrique Gil sa inasal nito kay Jessy ni www.buyessaysweb.com. Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung itutuloy ni Gng. Garvida ang kanyang balak na samapahan ng kaso ang aktor.