
Is JM De Guzman and Jessy Mendiola’s relationship on the rocks again?
by PSR News Bureau
Naging usap-usapan sa sirkulasyon ng showbiz ang hindi pagdalo ng magkasintahang Jessy Mendiola at JM De Guzman sa katatapos lang na Star Magic Ball. Malaking isyu rin ang ginawa umanong pambabastos ni Enrique Gil kay Jessy na naging isang malaking kontrobersiya nitong nakaraang Linggo. Dito na lumutang ang ilang isyu na sinasabing mukhang nagkakalabuan na naman ang dalawa.
Nito lang Sabado, September 12, naglabas din ng saloobin si Jessy hingil sa tila pag-iwan sa kanya sa ere ng isang personalidad na hindi niya pinangalanan. Binanggit ni Jessy sa nasabing post na naudlot ang pangarap niya na makapiling at makasayaw sa isang ‘red carpet’ event ang hindi natukoy na personalidad dahil pinili umano nitong mas paniwalaan ang ibang tao.
Narito ang eksaktong post ni Jessy: “All I wanted was dress up and walk that red carpet with you. I wanted to have fun with you, a few drinks and dance with you until our feet hurt. And finally when we stop dancing, we’ll look at each other, smiling with twinkle in our eyes, hearts beating so fast and know that we will never forget this night. That wonderful magical night. That night, when we forgot everything else around us and had our own little party in a world where superficial people partied too. Thinking about it makes my heart sink.”
Ang tanong, sila pa ba ng nobyong si JM o nagkakalabuan na? Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na maayos ito ng magkasintahan sa lalong madaling panahon.