
Aiza Seguerra hurt over her suspension on ‘ASAP 20’
by PSR News Bureau
Ikinagulat ng singer na si Aiza Seguerra ang pagkakatanggal niya sa Sunday musical variety show na ‘ASAP20.’ Ipinataw sa kanya ang leave of absence ng pamunuan ng ABS-CBN. Ayon kay Aiza, anim na taon na siya sa nasabing programa kaya’t hindi magiging madali para sa kanya ang pagkawala niya dito.
Nang alukin siya para sa programang papalit sa ‘The Ryzza Mae Show’ sa GMA 7 na produced ng TAPE Inc., ang production ng ‘Eat Bulaga’ kung saan siya unang lumabas at nakilala bilang child star, hindi nagdalawang isip si Aiza dahil alam naman niyang hindi magiging magkatapat ang dalawang palabas maliban pa sa magkaiba sila ng konsepto.
Naiintindihan naman daw ni Aiza ang naging desisyon ng management. Ang hindi lang malinaw sa dating child-star-turned-singer ay yung rason kung bakit nangyari ito. Maituturing naman na freelancer si Aiza dahil hindi ito nakatali sa anumang eksklusibong kontrata sa magkabilang istasyon.
Ang duda ni Aiza, dahil sa pagtanggap niya na maging bahagi ng cast ng bagong morning show sa GMA na “Princess In The Palace” kung kaya’t puwersahan siyang pinag-leave sa ASAP 20. “Kumbaga, being in this business long enough, siyempre din a ako magpapaka-plastik. Medyo sana hindi, medyo sana hindi kailangan…dahil iba naman yun. Pero it’s a directive galing sa management that I have to respect,” pahayag ni Aiza.
Dugtong pa niya,“I don’t hold nay grudge against them na they have to do that. After all, this is a business, they have to protect their business. It’s not a perfect world…we’re not contract artists, we’re not exclusive artists. Kumbaga, sa hierarchy ng mga artista, medyo kami ang nadi-displace kapag may mga ganitong issues.”
Hindi naman din daw inisip ni Aiza na isang parusa ang gumawa ng ibang proyekto sa ibang network. “Ayokong ganun ang isipin, hindi ako ganoon. I don’t want to burn bridges with anyone. Mahirap naman iyon. Basta ang sabi nila sa akin, kapag natapos na yung “Princess In The Palace,” I could always come back.”