June 13, 2025
Alden Richards fulfills Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza’s fervent wish
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Alden Richards fulfills Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza’s fervent wish

Sep 17, 2015

psr a12d

By PSR News Bureau
meet_maine_mendoza_a_k_a_yaya_dub_of____eat_bulaga____maine_mendoza_1437021874Isa pa lang hopeless romantic ang tinaguriang ‘Dubsmash Queen’ na si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Isiniwalat ito ni Maine sa kanyang personal blog na may pamagat na ‘The Pessimistic Optimist Bella,’ sa kanyang blog entry noong taong 2012 kung saan nag-enumerate ito ng mga Christmas wish list niya. Aniya sa kanyang post: “Last but not the least, a simple handwritten love letter from a loved one. (Call me old-fashioned, but I really appreciate handwritten letters more than anything).”

“Para ito sa mga taong walang budget na bilhan ako ng gift. Charot!!”

“I love receiving handwritten letters, who doesn’t anyway?”

“Ang sweet sweet kaya, plus it’s a great way to express your feelings to someone. Bigyan mo ng letter para damang dama (insert nevergetsold hashtag).”
Dagdag pa ni Maine, “I feel really special and loved everytime I receive letters. Lakas ng impact! Lalo na yung mga death threats “Di ka makakalabas ng bahay ninyo ng buhay. Hayop ka, papatayin kita.” Lol kidding!’

alden_richards_wants_to_join_the_papal_visit_crowd_1421300986Sinong mag-aakala na tatlong taon matapos isinulat ang nasabing post ay mayroong isang taong gagawa ng paraan para maging totoo ang iyong wish? Huli man daw at magaling ay naihahabol din. Napaiyak si Maine sa pagkakatanggap niya ng isang handwritten message mula sa Pambansang Bae na si Alden Richards noong kanilang 2nd monthsary. Binigyang katuparan ni Alden ang isa sa mga hiniling noon ni Maine para sa kapaskuhan.

Nakasulat ang saloobin ni Alden sa isang simpleng card na sulat-kamay ng aktor. Ito ay upang ipagdiwang ang kanilang dalawang buwan na pagpapakilig sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Narito ang kabuuan ng sulat kamay ni Alden para kay Maine:
Alden Richards 7“Hi, Maine. Kumusta ka na? Kahit dalawang buwan pa lang ang nakakaraan, ang dami nang nangyari. May masaya, may malulungkot, may masasakit. Pero lahat ng ito ay mayroon tayong natututunan. At walang hindi makakayanan basta handa tayo at ito ang gusto natin. At kung may mga maniwala sa atin, at may naniniwala sa atin at nagmamahal, ngayon pa ba tayo susuko?”

Batid ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sinumang babae ang makatanggap ng nasabing sulat-kamay na liham, hindi lamang kilig kung hindi siguradong ikatutuwa nito at tiyak na magkakaroon ng pitak sa kanyang puso ang sinumang nagbigay ng liham na ito sa kanya.

Leave a comment

Leave a Reply