May 25, 2025
Direk Bobot Mortiz bashed by KathNiel’s fans due to ‘snubbing’ incident
Home Page Slider Latest Articles

Direk Bobot Mortiz bashed by KathNiel’s fans due to ‘snubbing’ incident

Sep 18, 2015

By PSR News Bureau
Nagpayag ng pagkadismaya ang ‘Goin’ Bulilit ‘ director na si Edgar ‘Bobot’ Mortiz sa isa sa mga alumna ng nasabing programa sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan lang. Ayon kay Direk Bobot, first time daw niyang pumunta sa nasabing party at tuwang-tuwa siyang makita ang mga batang dati niyang nakasama noong maliliit pa ang mga ito. Lahat daw ng mga ito ay bumati at bumeso sa kanya, halos lahat ng mga batang nanggaling sa pambatang programa ay nagbigay-pugay sa kanya maliban sa isa.
Hindi man niya ito pinangalanan ngunit kinumpirma ng anak ni Direk na si Badji sa Twitter na ang tinutukoy nito ay si Kathryn Bernardo ang batang artistang hindi pumansin sa kanyang ama. Nagkausap naman na sina Kathryn at Direk Bobot, humingi na ng paumanhin ang dalaga sa dating direktor nito.

Hindi naman nagustuhan ng KathNiel fans ang sinabi ng direktor tungkol sa kanilang idolo kaya’t inuulan ng bashers si Direk Bobot dahil sa kanyang paglalabas ng sama ng loob sa social media. Agad namang dinepensahan ng anak ni Direk Bobot ang ama laban sa mga bashers. Aniya, naglabas lamang naman ng sama ng loob ang direktor sa hindi pagbibigay ng respeto ni Kathryn dito.

Leave a comment