June 7, 2025
Home Page Slider Latest Articles

“It was such a sweet surprise.” – Toni Gonzaga on her victory as FAMAS Best Actress

Sep 22, 2015

psr ad

By PSR News Bureau

downloadHindi inaasahan ni Toni Gonzaga ang kanyang pagkapanalo bilang best actress sa nakaraang 63rd FAMAS awards. Nanalo si Toni para sa kanyang mabisang pagganap sa pelikulang Starting Over Again. Hindi nga naman biro ang mga hanay ng artistang nakalaban niya para sa nasabing parangal. Tinaob lang naman ni Toni sina Aiko Melendez (Asintado), Gladys Reyes (Magkakabaung), Gretchen Barretto (The Trial), Jean Garcia (Kamkam), Jennylyn Mercado (English Only Please), Kathryn Bernardo (She’s Dating the Gangster), Kris Aquino (Feng Shui), Sam Pinto (Magnum Muslim .357) at Vina Morales (Bonifacio: Ang Unang Pangulo).

“Suwerte ko lang talaga. Hindi naman ako umaasa. Marami na akong award-giving bodies kung saan na nominate din ako. Ngayon lang talaga ako nanalo, it was such a sweet surprise. Na-bless lang talaga ako ng suwerte sa FAMAS,” pahayag ni Toni.

Napaka-espesyal ng nasabing award kay Toni dahil ito ang kauna-unahang award niya bilang isang lead actress. Itinanghal din si Toni na Best Supporting Actress ntoni-gonzaga-pondsoong taong 2014 sa Gawad Pasado Awards para sa pelikulang Four Sisters and A Wedding. Yung ibang awards naman niya ay galing ssa kanyang paglabas sa telebisyon bilang host at bilang isang mangaawit.

“Ngayon puwede ko ng masabi na aktres ako. Sa speech ko pa lang nun naiiyak nako. Fifteen years din akong naghintay para magkatotoo at mangyari itong isa sa mga pinakamimithi ko. Matagal ko ng pangarap magkaroon ng ganitong acting award. Bata pa kami ni Alex [Gonzaga,ang nakababata niyang kapatid], lagi na kaming nagpa-praktis ng : “I’d like to thank FAMAS for this award. Tapos ngayon heto na, parang hindi pa rin ako makapaniwala, may totoo na akong award na nahahawakan ko talaga at maidi-display.”

Leave a comment

Leave a Reply