
“After more than 20 years in the business, I’m happy to win an acting award!”- Gabby Eigenman
by :Ruben Marasigan
Hindi inaasahan ni Gabby Eigenman ang kanyang panalo bilang best supporting actor sa recently concluded 63rd Famas Awards na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
“Actually being nominated, it feels like a winner already. Kasi out of so many films, ang daming pagpilian… ‘yung nomination alone ay malaking karangalan na,” sabi ni Gabby nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Kapag nanalo, icing on the cake. So… sinuwerteng nanalo kaya mas masaya ako.”
Tinalo niya ang iba pang nominees na sina Emilio Garcia (Magkakabaung), Ian Veneracion (Feng Sui), Jum Pebangco (Kamkam), Lito Pimentel (Starting Over Again), Richard Gomez (who got two nominations for She’s Dating A Gangster and The Trial), Roi Vinzon (Magnum Muslim 357), at Romnick Sarmenta (Hustisya).
“This is my first nomination for a movie. And my first acting award din sa pelikula and for Famas. I’ve been in the business for almost 20 years. This is my first time to attend an award especially sa Famas. First indie movie ko itong ‘Asintado’ for Cinemalaya tapos napansin yung acting ko at nanalo nga ako.
“So I’m very thankful, happy ako. I’m overwhelmed,” sabay ngiti ni Gabby.
May pagmamanahan naman ng husay sa pagiging artista si Gabby. Mga premyadong aktor ang tatay niyang si Mark Gil, Uncle niyang si Michael de Mesa, at Tita niyang si Cherrie Gil.
“Pressure!” natawang reaksiyon ng aktor. “Pressure! Sobrang pressure ‘yon. At ngayong nanalo nga ako, e di masasabi kong parte nga ako ng pamilya. Di ba?” tawa niya ulit.
May bagong project na ba siyang gagawin?
“As of now, pahinga muna ako. Alam ko may bagong bubuksang show ang GMA these coming months so… waiting lang ako. Katatapos lang ng “Pari Koy” at ng “Insta Dad,” e. So… sandaling pahinga lang muna.”
Nag-lead roles na siya sa “Insta Dad” at sa “Dading” kung saan mabait ang ginampanan niyang character. Pero open pa rin daw siya sa mga kontrabida roles na paris ng ginampanan naman niya sa “Pari Koy” na pinagbidahan naman ni Dingdong Dantes at sa indie film na “Asintado” kung saan nanalo nga siya bilang best supporting actor sa Famas.
“Yeah! Oo naman. Ano lang ‘yan, e… umiikot lang naman ang roleta. Kumbaga, puwede kang maging mabait ulit, puwedeng maging masama.”
Saan ba siya mas hirap, sa mabait o sa salbaheng role?
“Sa mabait!” tawa na naman ni Gabby.
“E kasi nakasanayan ko nang maging kontrabida, e. Halos buong career ko, I’ve been playing the antagonist e, for the longest time.
“Tapos nag-open ang doors for me to do goody-goody role sa “Dading” at “Insta Dad” that paved way. Sabi ko nga… basta kung anuman ang ibigay, gagawin ko ang best ko, gagawin ko lahat ang makakaya ko.”