
GMA Network has filed a complaint before National Telecommunications Commission (NTC) against SkyCable
by :PSR News Bureau
Maigting na talaga ang labanan sa pagitan ng dalawang higanteng TV stations sa Pilipinas. Hindi lamang ratings na bawa’t palabas sa magkabilang channels ang kanilang labanan, maging sa signal na pinaniniwalang ‘sinasabotahe’ ay kanila na ring pinagtatalunan. Kamakailan lang ay nag-file ang GMA Network ng
reklamo sa NTC laban sa SkyCable na pag-aari rin ng kalaban nitong TV station na ABS-CBN. May kinalaman ang nasabing reklamo sa diumano’y kawalan ng signal sa Skycable ng Channel 12 (GMA 7) kapag ipinapalabas ang toprating Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”Base sa maraming reklamong natanggap ng pamunuan ng GMA 7 mula sa mga subscribers ng naturang cable service provider, naninindigan ang GMA na sinasadya umano ang kawalan ng signal para mabawasan ang viewership o manonood ng GMA/Eat Bulaga kung saan hit na hit sa ating mga kababayan ang phenomenal na ‘Aldub’ kalyeserye na kinababaliwan ng maraming manonood. Isa umano itong ‘pananabotahe’ na nakaka-apekto sa panonood ng “Eat Bulaga” ng mga manonood na kamakailan lang ay nag-hit ng higit sa 12 million tweets mula sa fans at tagasubaybay ng ‘AlDub’ at “Eat Bulaga.”
Sa opisyal na reklamo, sinabi ng pamunuan ng GMA na: “The Network argued that it is significant that the signal loss and degradations are confined to SKyCable Channel 12 [GMA 7] only to the exclusion of other must carry-channels, and that there is basis to believe that the signal disruptions were effected in order to reduce the viewership level of GMA/Eat Bulaga, which is enamored millions of viewers with its phenomenal Aldub/Kalyeserye segment resulting in the program’s very high ratings.”
Kaugnay nito, nag-submit na rin ang GMA ng kopya ng DVD na ni-record mula sa isang Skycable subscriber mula sa Pasig City na nagpapatunay na nawawala ang signal ng nasabing channel noong September 10 episode ng “Eat Bulaga.” Ang bukod tanging malakas na channel ay Channel 8 [ABS-CBN] kung saan mapapanood naman ang karibal na palabas ng “Eat Bulaga” na “It’s Showtime.”