May 24, 2025
Faces and Places

Kim Chiu reveals that ex boyfriend Gerald Anderson cheated on her

Sep 29, 2015

by :PSR News Bureau

96deb700-cb4f-11e3-8be2-e536480b6bf6_kim-chiu-nppaNang huling maging guest ni Kim Chiu ni Vice Ganda sa panggabing palabas nitong Gandang Gabi Vice nitong nakaraang Sabado, September 27, inamin nitong minsan na niyang maranasan na kinaliwa ng dati niyang naging boyfriend. Bagamat hindi diretsahang pinangalanan ni Kim kung sino ang naging nobyo niyang ito, kaagad naman nalaman kung sino ang tinutukoy niya matapos siyang tanungin ni vicek ung nakailang boyfriend na ba siya, na sinagot naman ni Kim ng “Isa lang!”

Halos limang taon na ang nakalilipas magmula ng magkahiwalay sina Kim at Gerald pero hindi pa rin maiwasan na maitanong kay Kim ang ex boyfriend niya habang nagpo-promote ito ng pelikula niyang “Etiquette for Mistresses.” Ayon sa 25 year old na aktres, napapayag daw siyang gawin ang nasabing pelikula dahil kakaiba raw ito sa mga naging roles na ginampanan niya. First time nga daw niyang gumanap na mistress. Nagsilbi raw itong isang malaking challenge para sa kanya.
Kasunod na tanong ni Vice: “Ngayong naunawaan mo na sila, paano kung magkaroon ng mistress sa loob ng sarili mong relasyon? Mauunawan mo rin ba sila?”

Tugon ni Kim, “Meron kasing kasabihan ‘yan na, ‘Sharing is good, but cheating is bad.’’

Dito na nabanggit ni Vice ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald.

“Nanahimik na siya ngayon,” pag-iwas pa sana ni Kim na pag-usapan ito.

kim-chiu1Susog pa ni Vice, “Walang banggitan ng pangalan, ang tanong mo lang, nangyari na ba sa iyo na nangaliwa ang boyfriend mo?”

Dito na tuluyang hindi nakaiwas si Kim sa mga tanong tungkol sa dati niyang kasintahan na ipinagpalit siya kay Maja Savador na dati niyang malapit na kaibigan.

Leave a comment

Leave a Reply