
Vice Ganda on lips-to-lips with Karylle: “We did that for the fans, not for the bashers.”
by: PSR News Bureau
Samu’t-sari ang naging reaksyon ng mga tao kaugnay ng ginawang dalawang beses na pakikipag-lips-to-lips ni Vice Ganda sa co-host nitong si Karylle noong kasagsagan ng anibersaryo ng noontime show nilang “It’s Showtime”nitong nakaraang Sabado. Aminado naman si Vice Ganda na ginawa nila iyon ni Karylle upang matuwa ang fans nila. Bagamat kaliwa’t kanan din ang pamba-bash sa magaling na TV host. Hindi naman alintana ni Vice ang mga ito. “We did that for the fans at masaya naman kami dahil talaga naming natuwa rin sila. Pero hindi naman namin ginawa iyon para sa mga bashers,” paliwanag pa ni Vice.
Walang pakielam si Vice sa mga batikos na kanyang natatanggap. Bahagi lang ng production number ni Vice bilang Viceral ang nasabing pakikipaghalikan. Ibinabalik kasi ng “Its Showtime” ang tambalan noon nina Vice at Karylle na kung tawagin ay ViceRylle.
Sinabi rin ni Vice na alam ng mister ni Karylle na si Yael Yuzon ang tungkol sa kakaiba niyang production number na may partisipasyon nga si Karylle. “Oo, kasama namin siya [Yael] sa dressing room. Kabiruan namin siya. Otherwise, sinapak na ako nun, may asawa yung tao, bakit ko gaganunin? At saka friends kami ni Karylle at Yael. Kung lalaki pa ako, baka may selos factor. Pero wala talagang malisya kasi alam naman nila kung anong sexual preference ko,” paliwanag pa ni Vice.
“Natuwa ako kasi good or bad, at least, pinag-usapan kami,” dagdag pa ni Vice.
Sanayan rin naman daw ang pagha-handle sa mga bashers. “I don’t handle them [bashers]. I simply ignore them. Wala akong pakielam sa kanila at nagpapasalamat ako na malaki ang pakielam nila sa akin.”