May 24, 2025
Lea Salonga and Joey De Leon settles misunderstanding over ‘kababawan’ issue
This is it!

Lea Salonga and Joey De Leon settles misunderstanding over ‘kababawan’ issue

Oct 2, 2015

Rommel_Placente

by :Rommel Placente

Lea Salonga and Joey De Leon settles misunderstanding over ‘kababawan’ issue
joey-lea-settle-kababawan-tweet1Nagkaayos na sina Joey de Leon at Lea Salonga pagkatapos sagutin nang una ang naging tweet ng huli tungkol sa “kababawan,” kung saan nag-react naman ang comedian-TV host. Sa Twitter post kasi ni Lea noong Sabado, September 26 ay sinabi niya na: “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo — Lea Salonga (@MsLeaSalonga).”

Maraming netizens ang nag-react at sinabing ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga,’ na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub ang tinutukoy ng Broadway superstar. Ngunit sa mga sumunod na tweets niya, nagpaliwanag si Lea na wala siyang partikular na pinapatamaan sa kanyang tweet. Pero hindi ito nakaligtas kay Joey, na sunud-sunod ang pag-post ng patutsada sa naging tweet ni Lea tungkol sa “kababawan.”
Sabi naman ni Joey bilang sagot sa tweet ni Lea, “O, para matapos na itong mga pagtatalo. Mabuti na ang MABABAW kaysa MABABA! Ayos?” #ALDUBThisMustBeLove — Joey de Leon (@AngPoetNyo)

Pero noong Huwebes, October 1, sinagot ni Lea ang isang tweet ni Joey, kung saan sinabi ng Eat Bulaga! host na baka ang pinatutungkulan ng Miss Saigon star sa kanyang tweet tungkol sa “kababawan” ay hindi ang AlDub kundi ang “kabila.”

Hindi tinukoy ni Joey kung ano o sino ang sinasabi niyang “kabila,” pero katapat ng AlDub ang pakulong “Miss Pastillas” ng ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN, ang home network ni Lea. Sa kanyang tweet, pinasalamatan ni Lea si Joey sa pagbibigay sa kanya ng beteranong comedian-TV host ng “benefit of the doubt.” Sinagot naman siya ni Joey at sinabing wala na sa kanya ang isyu at magsimula na lang sila uli ng “A whole new world,” ang kilalang kanta ni Lea sa Walt Disney movie na Aladdin.

[divider]

American singer-songwriter Shea Arender wil be visiting Manila to meet Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza; he’s interested to court her
shea-arender-001-600Ang American singer-songwriter at Broadway producer na si Shea Arender ay darating sa Pilipinas ngayong buwan para magkaroon dito ng concert at para na rin makilala si Maine Mendoza aka Yaya Dub. Mula raw kasi nang mapanood niya ang dalaga sa Youtube ay hinangaan niya na ito.

“I wonder why despite language barriers, I kept on laughing at her antics..Lola Nidora is another story but I would like to meet them and experience the ‘Kalye-serye” outside of the tube,”sabi ni Shea.

Patuloy niya,” My agents and I are planning to accept a Valentine show in Manila come 2016 but I can’t wait that long and see for myself how beautiful lady like Maine can shed off a pretty image just to make her audience happy. She is a very refreshing character, pretty but not afraid to be animated.”

Single si Shea at ganundin si Yaya Dub. Kaya tinanong namin ang una kung may plano ba siyang ligawan ang huli, oo ang sagot niya sa amin. Well, magkakaroon pala ng karibal si Alden Richards sa katauhan ni Shea.

Leave a comment

Leave a Reply