
Rep. Leni Robredo agrees to be Mar Roxas’ running mate for 2016 election
By: PSR News Bureau
Matapos ng mahabang panahon for discernment, nakapagdesisyon na finally si Camsur Third District Representative Leni Robredo na maging running mate ni Liberal Party presidentiable at DILG secretary Mar Roxas. Ani Rep. Robredo: “Buong puso, buong pananampalataya, at buong tapat ko pong tinatanggap ang hamon na tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Secretary Mar Roxas.
Pormal na inaunsiyo ni Rep. Robredo ang kanyang pagkandidato bilang bise-presidente para sa 2016 elections sa harap ng isang pagititipon para sa Liberal Party sa Club Filipino, San Juan City, ngayon Lunes, October 5.
Sa wakas nga ay nakahanap na si DILG secretary Mar Roxas ng isang running mate na may sapat na kakayahan, talino, mahusay na abogado, may alam sa batas at may galing sa paglilingkod at pamamahala. Si Rep. Robredo na ang magiging katuwang sa pagtataguyod ng ‘Daang Matuwid’ ng political party ng kasalukuyang administrasyon.
Matatandaang nauna nang niligawan ng Liberal Party si Senadora Grace Poe. Bagamat kinikilala ni Sen. Grace Poe ang kasalukuyang administrasyon, mas pinili nitong maging running-mate ang kapwa senador na si Sen. Chiz Escudero dahil matagal na rin silang magkaibigan nito.
Kapag nagkataon ay magbabakbakan sa puwesto sina Binay-Honasan, Poe-Escudero, at Roxas-Robredo sa darating na halalan sa 2016. Magkahalo naman ang opinyon ng mga personalidad sa showbiz, ang ilan ay sumasangayon kay Sen. Grace Poe sa kanyang hangarin ngunit may ilan din na hindi nila gusto ang plano ni Sen. Poe, kabilang na ang mismong pinsan nito na si Sheryl Cruz na hayagan sinabi na hindi ito pabor sa pagtakbo bilang pangulo ng pinsan niya.