
Elizabeth Ramsey passed away at 83
By:Â PSR News Bureau
Ikinalulungkot ng industriyang Pilipino ang pagpanaw ng magaling na singer at komedyana na si Elizabeth Ramsey sa edad na 83 ayon sa kanyang anak na si Jaya. Pumanaw si Mama Beth sa kanyang pagtulog. Nag-share ang anak niyang si Jaya sa social media ng malungkot na balita ngunit masaya ito na mapayapang lumisan sa mundong ibabaw ang kanyang ina nang hindi man lang naghirap at parang natutulog lang.
Ang huling paglabas ni Mama Beth sa telebisyon ay nang dumalaw ito sa Your Face Sounds Familiar kung saan ginaya siya ni Melai Cantiveros.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), our condolences to the family of the late Elizabeth Ramsey. Eternal rest grant unto her, let perpetual light shine upon her. May she rest in peace.