Piolo Pascual excited to do a movie with Kim Chiu in 2016
Nagkaroon ng special cameo role ang Ultimate Hearthrob na si Piolo Pascual sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” bilang lalaking pakakasalan ni Kim Chiu sa pagtatapos ng pelikula. Kaugnay nito, marami ang natuwa at kinilig sa nasabing eksena kung kaya’t nagkaroon ng ingay at request mula sa mga manonood na pagsamahin ang dalawa sa isang pelikula. Positibo rin kasi ang pagtanggap ng viewers sa kilig na ipinakita ng tambalang Kim at Piolo. Kaya naman malaki ang posibilidad na magkaroon ng sariling pelikula sina Piolo at Kim sa susunod na taon.
“Yes, there have been talks about the possibility of doing a movie with Kim. Star Cinema ‘yan eh, since I’m a Star Cinema homegrown talent, I’m pretty sure it will be a good one,” saad ni Piolo. Sinabi rin ng aktor na hindi naging isyu sa kanya ang paglabas niya sa nasabing cameo role. “It’s an opportunity. I miss working with Direk Chito [Rono], and I expressed my intention to work with Kim even for a a scene. And because of that, nagkaroon ng idea ang Star Cinema to pair us in a movie. I hope it pushes through.”
“Of course, it’ll be by next year since I’m pretty sure, just like me, jampacked na rin schedule ni Kim. I hope matuloy yun,” dagdag pa ng aktor na hindi umano nagpabayad ng kanyang talent fee sa paglabas nito sa nasabing cameo role.
“Kaibigan ko si Kim so it will be a joy to be working with her soon. Ngayon pa lang, excited na nga ako. Kaya sana pakaabangan din ng fans yun. It’ll be something new for them,” pagtatapos pa ni Papa P.
Siguradong magiging hit rin ito sa takilya lalo pa’t bagong tambalan ito na hindi dapat palampasin ng mga manonood.