May 24, 2025
Cesar Montano, awed by Ozawa’s sense of professionalism
Latest Articles Movies

Cesar Montano, awed by Ozawa’s sense of professionalism

Oct 14, 2015

Archie liao

By: Archie Liao

maria-ozawa- First time na makatrabaho ng award-winning actor-director na si Cesar Montano ang Japanese porn superstar na si Maria Ozawa sa 2015 MMFF entry na “Nilalang” na isang action suspense-thriller.

Unang inialok ang nasabing proyekto kay Robin Padilla pero noong nakatakda na sanang simulan ito, nagkaroon ito ng aberya dahil nakunan nga si Mariel Rodriguez sa kanilang triplets kaya nag-desisyon ang actor na mag-back out na sa pelikula.
Kinunsulta ba niya si Robin Padilla bago niya tanggapin ang role niya sa kontrobersyal na pelikula?

cesar 2“Actually nasa Amerika siya noon nang nag-text siya sa akin. Sabi niya [Robin], happy raw siya para sa akin. Si Robin naman, parang brother ko iyan. Ipinakita ko nga kay Direk Pedring (Lopez) iyong text niya sa akin. Sabi niya, ‘I felt so honored na ikaw ang gagawa ng pelikula’ and he wished me well naman,” kuwento niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Panibagong challenge at bagong excitement para sa kanya ang makatrabaho ang mga bagong dugo sa “Nilalang.”

“Iba talaga pag lumaki ka sa post (production house), sa editing tulad ng director ko. Yung kakaibang soul nila, makikita mo. As a director, nakita ko na ito noon kay Direk Toto (Natividad) and also kay Joyce (Bernal). Ito talaga iyong soul nila and I’m so proud of their work,” aniya.

Okay lang kay Cesar kahit second choice lang siya sa naturang MMFF entry.

“Kahit pa pang 100th ako, okay lang sa akin. Ang importante, ako iyong gaganap nung role,” buong pagmamalaki niya.

cesar_montano_maria_ozawa_2015-09-16Aminado rin si Cesar na mayroon silang mga daring at sexy scenes ng kanyang mga leading ladies tulad ni Maria Ozawa at Meg Imperial sa “Nilalang.” Dagdag pa niya, bilang isang lalake, tinablan daw siya sa kanilang mga eksena nila ni Maria pero bilang isang professional, bahagi lang daw iyon ng kanyang trabaho.

Yung nasabing kissing scene nga raw nila ay inabot ng ilang takes bago na-perfect pero hindi raw naman niya sinadya iyon para mag-take advantage kay Maria.

Dugtong pa ni Cesar may mga inputs din raw siya sa nasabing action-suspense thriller.

“Basta ako, para sa ikagaganda ng pelikula, nagbibigay ako ng suggestions at open naman iyong mga naging katrabaho ko,” paliwanag niya.

Saludo rin daw si Cesar sa work ethic ni Maria Ozawa.

“She’s very professional. Yung pinagsyutingan namin na isang unfinished hotel. Minsan, nakaupo lang siya sa sahig kahit maalikabok, pero ni wala siyang reklamo. Minsan, ako pa nga ang gustong magreklamo para sa kanya. Kasi, kung may hika ka,baka atakihin ka na ng hika. Pero siya, wala siyang karekla-reklamo kahit we have work longer than the usual hours,” aniya.

Papel ni Tony, isang NBI agent na tinutuklas ang misteryo ng serial killings kung saan naging biktima ang kanyang girlfriend ang role ni Cesar sa “Nilalang.” Sa kanyang pag-iimbestiga, makakaengkuwentro niya si Miyuki, anak ng isang Yakuza leader sa Pilipinas na susi sa mga karumal-dumal na mga panggagahasa at patayan.

On the personal side, proud naman si Cesar sa mga naging achievements ng kanyang anak na si Diego Loyzaga na unti-unti nang gumagawa ng pangalan para sa kanyang sarili sa showbiz.

Tumanggap si Diego ng German Moreno youth achievement award sa nakaraang FAMAS awards. Nakikilala na rin ito sa telebisyon sa mga programang “Forevermore,” “Pangako sa Iyo” at hinangaan sa kanyang powerful performance sa nakaraang “Maalaala Mo Kaya [MMK]” episode kung saan nakita ang kanyang leading man potential.

Nakatira si Diego sa kanyang isang bahay sa Quezon City pero hindi raw kotse ang pinag-iipunan nito kung hindi ang pagbili ng solong bahay ayon kay Cesar.

Leave a comment

Leave a Reply