May 23, 2025
Coco Martin remains the undisputed ‘Primetime King’ via ABS-CBN’s ‘Ang Probinsyano’ high ratings
This is it!

Coco Martin remains the undisputed ‘Primetime King’ via ABS-CBN’s ‘Ang Probinsyano’ high ratings

Oct 15, 2015

Rommel_Placente

THIS IS IT
By: Rommel Placente

Coco Martin remains the undisputed ‘Primetime King’ via ABS-CBN’s ‘Ang Probinsyano’ high ratings

Probinsyano - Coco martin Muling pinatunayan ni Coco Martin na siya pa rin at walang iba ang nag-iisang ‘King of Primetime.’ Ito ay base sa napakataas na rating ng kanyang ‘Ang Probinsyano,’ na unang linggo pa lang sa ere ay itinanghal nang number one over all show in Philippine TV!

Uma-average kasi sa 40-41% nationwide rating ang Ang Probinsyano. Naaabot nito ang peak na 42.6% rating kamakailan. Bukod sa mataas na rating, gabi-gabi din na nagta-top trending ang ‘Ang Probinsyano’ sa Twitter. Patunay lang na maging sa social media ay gumagawa ng ‘ingay’ ang palabas ni Coco.

Base sa mga comments tungkol sa ‘Ang Probinsyano,’ maganda at de kalibre ang produksyon nito. “Lahat ng aspeto ng AP, mahusay! From the actor’s performance, to music, editing and cinematography! Kumpleto, wala ka nang hahanapin pa!” says one viewer. Matagumpay ding naibalik ng AP ang male crowd sa primetime bida!
“Nagulat ako kasi yung tatay ko na walang kahilig hilig sa telserye, ayun, hooked na hooked! Enjoy na enjoy siya!” sabi pa ng isang viewer.

Sa kabila ng tagumpay ng kanyang teleserye, Coco remains humble. When asked about the success of his teleserye, “Sobra pong salamat. Hindi namin ini-expect yung ganitong reception ng tao, pero sobra naming naa-appreciate. Masaya kami na nagi-enjoy sila,” sabi ng ever humble na si Coco.

Ang Ang Probinsyano ay TV adaption ng FPJ classic. Nabuo ito sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN, FPJ productions at Dreamscape. Mula ito sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

[divider]

Jiro Manio is now on his way to full recovery

jiro-manio-interview-naia-video Dinalaw namin ang aming anak-anakang si Jiro Manio sa isang private facility sa Quezon City. Matino na ang pag-iisip niya, magaling na siya mula sa sobrang depression na naranasan niya nung Hunyo na naging dahilan para ipasok siya sa nasabing pasilidad. Sabi niya sa amin, sobrang nagpapasalamat daw siya kay Ai-Ai delas Alas sa lahat ng tulong na ginagawa nito sa kanya. Sa paglabas daw niya ay dun muna siya titira sa itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz. Tunay nga na may ginintuang puso si Ai Ai dahil sa walang sawa nitong pagbibigay ng tulong kay Jiro. Hari nawa ay maging maayos nang muli ang buhay ni Jiro paglabas niya sa naturang pasilidad dahil hindi naman matatawaran ang galing at husay ng bata sa pag-arte.

Leave a comment

Leave a Reply