May 23, 2025
‘Destiny Rose’s Jeric Gonzales happy to be given with projects to further hone his talent
Faces and Places Latest Articles

‘Destiny Rose’s Jeric Gonzales happy to be given with projects to further hone his talent

Oct 19, 2015

Rommel_Placente

By Rommel Placente

downloadNapanood si Jeric Gonzales two weeks ago sa isang episode ng “Magpakailanman” na may titulong “Anak Ni Mister, Kabit Ni Misis” kung saan gumanap siya bilang anak ni Joko Diaz na nakarelasyon ang kanyang step mother na ginampanan ni Ina Raymundo. Happy si Jeric na nag-trend that time ang kanilang episode matapos itong maipalabas.

“Sobrang masaya ako siyempre na maraming nanood ng episode namin na iyon dahil sobrang pinaghirapan namin yun. Two days kaming nag-taping para sa episode na ‘yun,” sabi ni Jeric sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph).

Kung halimbawang sa totoong buhay ay magkakaroon ng madrasta si Jeric ay hindi niya raw yun magagawang patulan.
“Siyempre respeto na lang sa tatay ko,” paliwanag ni Jeric
Ayon pa kay Jeric, malakas naman ang kontrol niya sa tukso. Hindi raw siya yung tipo ng lalaki na pinapatos ang mga babae na nagkakagusto sa kaniya.
“Ang gusto ko kung sakaling makikipagrelasyon ako o kung may papatulan ako, ‘yung talagang gusto ko na yung girl,” saad nito.

Pero posible ba na magkagusto siya sa isang mas may edad na sa kanya?

“Posible naman,” sagot niya. “Pero siguro yung mga 5 years lang ang agwat ng edad niya sa akin, hindi yung talagang malaki ang age gap namin kasi mahirap mag-adjust pag masyadong malaki yung agwat ng edad.”

First time na nakatrabaho ni Jeric si Joko. Ayon sa kanya nung una ay na-intimidate siya rito.

“Siyempre Joko Diaz yan. Pero nawala rin ‘yung pagkailang ko sa kanya kasi sobrang bait niya. Tinulungan niya ako sa mga eksena namin tapos binigyan niya ako ng tips sa tamang pag-arte.”
Kung pinupiri ni Jeric si Joko ganundin naman ang pagpuri niya kay Ina.

“Napaka-professional niya at mahusay na aktres.”
1231Samantala, napapanood si Jeric sa “Destiny Rose” na pinagbibidahan ni Ken Chan. Nagpapasalamat ang guwapong aktor sa lahat ng tumatangkilik ng kanilang serye.

“Sobrang masaya kaming lahat ng bumubuo ng ‘Destiny Rose’ dahil mataas ang rating namin. Sana patuloy itong panoorin ng mga tao dahil mas maganda at kapanapanabik ang mga susunod naming mga episodes,” pagtatapos niya.

Leave a comment

Leave a Reply