May 23, 2025
This is it!

Alden Richards is now a certified Gold Recording artist; he remains humble despite newfound fame

Oct 20, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

alden_richards_1442990446Alden Richards is now a certified Gold Recording artist; he remains humble despite newfound fame

No doubt, sikat na sikat na talaga ngayon si Alden Richards. Bukod sa ‘Eat Bulaga’ ay kabi-kabila ang kanyang mga out-of-town and out-of-the country shows. Kagagaling nga lang niya sa Japan kasama si Ai Ai delas Alas at ilang Kapuso artists. Siya na talaga ang bagong nagmamay-ari ng titulong ‘Ang lalaking walang pahinga.’

At ang nakakagulat, ang latest album niya na “Wish I May” na ini-release nung Sabado lang ay tumanggap na agad ng Gold Recotd Award nung araw rin na yun. Ang award ay iginawad ng PARI kay Alden sa ‘Eat Bulaga’ nung Sabado rin. Kaya naman sinusuwerte si Alden sa kanyang career dahil nanatiling approachable siya. Marunong itong makisama at hindi mayabang. Hindi niya iniisip na artista siya. At kahit ngayong sikat na sikat na nga siya ay hindi pa rin siya nagbabago. Hindi niya inilalagay sa utak ang kasikatan. Hindi siya gaya ng ibang artista na nung makilala at sumikat, akala mo ay kung mga sino na.
[divider]

How true is it that Neil Coleta has an ‘attitude problem’?

zzzzzzzzzzzzzzzzzzAng akala namin ay sisikat na si Neil Coleta after niyang gumanap bilang sidekick ni Coco Martin sa defunct series na ‘Juan dela Cruz.’ Dahil kasi sa show na yun ay nakilala na siya ng publiko, tumatak ang role niya run. Pero hanggang dun lang pala si Neil, hindi siya sumikat. Siguro ang dahilan, may attitude kasi siya, Marami kaming nakakausap na nagsasabing mayabang si Neil. At tumatanggap daw ito ng mga shows na hindi alam ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Leave a comment

Leave a Reply