
Meg Imperial wants to be known as a sexy action star
by Archie Liao
Kakaibang Meg Imperial ang makikita ng mga manonood sa susunod na pelikula nito. Kilala si Meg sa paggawa ng mga sexy at drama films. Pero sa pagkakataong ito, first time sumabak ng aktres sa mga ma-aksyon na eksena. Lahat ng ito ay mapapanood sa pelikulang “Nilalang” na kalahok ng We Love Post, Haunted Tower Pictures, Parallax Studios at Viva Films para sa 2015 Metro Manila Film Fest (MMFF).
“I play the role of Jane, an NBI agent. Ako ang partner ni Kuya Cesar (Montano) sa pag-iimbestiga ng series of rapes and killings sa pelikula,” kuwento ni Meg nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph).
Nahirapan ka ba sa mga stunts mo rito o sa mga action sequences mo sa movie?
“Actually, medyo. Pero, nakatulong kasi na that I’ve doing mixed martial arts. I’ve been doing firing and target shooting. Kaya noong nag-shoot na kami, konti na lang ang naging adjustment,” pagbabalik-tanaw niya.
Could you share to Philippine Showbiz Republic (psr.ph) iyong experiences mo in working with Cesar Montano?
“Super professional siya [Cesar]. Masarap siyang katrabaho dahil marami kang matututunan sa kanya. Nagbibigay siya ng suggestions kung paano mas mapapaganda iyong pelikula.”
“Mabait siya. Hindi siya mareklamo. Noon ngang malaman kong makakatrabaho ko siya, I had to search her name sa Google pa. Doon ko lang nalaman iyong mga nagawa niya,” saad niya.
Pinanood mo ba ang mga porn videos niya?
“Na-curious kasi ako. Napanood ko iyong isang (porn) video niya,” kumpisal niya.
Ano ang naging reaksyon mo noong pinanood mo siya?
“Na-turn on ako,” pabiro niyang sagot.
Nang malaman mong porn star siya, nagkaroon ba ng “asiwa factor” sa inyong dalawa?
“No. Hindi naman siya ganoon. Ibang-iba ang image niya sa personal. She’s a very nice person at napaka-simpleng tao na walang ere. Walang attitude. Napaka-professional niya considering na in her own right, superstar na siya kahit paano,” depensa ni Meg.
Ayon pa kay Meg, sa pagtratrabaho niya sa “Nilalang,” nadagdagan ang mga kaibigan niya sa katauhan ni Maria Ozawa.
“We became friends. Naging text mates kami at nagbo-bonding,” aniya.
Nagbida ka na sa “Menor de Edad,” bakit pumayag kang maging support lang this time kay Ozawa?
“I don’t feel na support lang ako rito. We all have different characters. Ako iyong kasama ni Kuya Cesar (Montano) from beginning to end. Lahat kasi may kanya-kanyang agenda rito,” paliwanag niya.
May mga sexy at daring scenes kayo ni Cesar sa pelikula, nailang ka ba nang kunan ang mga ito?
“Actually, very supportive at napaka-gentleman niya. Inalalayan niya ako sa mga eksena namin,” pahayag niya.
Itong paglabas mo sa “Nilalang” paghahanda na ba ito sa pagbibida mo sa isang action movie?
“Wish ko talaga na maging action star. Matagal na akong naglalambing kina Boss Vic at Boss Vincent [Del Rosario, Viva Films’ heads] na sana mabigyan ako ng ganoong project dahil pangarap ko na makilala bilang isang sexy action star,” pagwawakas niya.
Maliban kina Montano at Ozawa, kabituin din ni Megan sa “Nilalang” sina Yam Concepcion, Cholo Barretto, Kiko Matos, Aubrey Miles at marami pang iba mula sa direksyon ni Pedring Lopez.