
JaDine’s first mall tour makes history
by Rommel Placente
Record-breaking ang unang mall tour ng JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na ginanap last Sunday sa Market! Market! para sa kanilang ‘On The Wings of Love Spread The Love Tour.’ Witness kami sa sobrang dami ng fans ng dalawa na dumagsa sa nasabing mall na ayon sa head ng ABS-CBN Integrated Events ay umabot ng mahigit 10,000 at ang total sales naman ng OTWOL merchansdise ay umabot ng 624,000. Grabe talaga ang suporta na ipijnapakita ng fans kina James at Nadine.
Unang tinawag sa stage para mag-perform si Nadine. Halos mabingi kami sa lakas ng tilian at palakpakan na sumalubong sa dalaga mula sa kanyang fans. At nang si James na ang tinawag ay doble ang lakas ng tilian at palakpakan ang narinig namin mula sa mga fans nila ni Nadine. At nang mag-duet na sila, na kinanta nila ang theme song ng ‘On The Wings of Love’ na may pareho ring title ay halos magiba na ang Market! Market! sa lakas ng tilian sa dalawa. Hindi talaga matatawaran ang kasikatang tinatamasa ngayon ng JaDine loveteam.
Dahil nga sa lakas ng dating ng JaDine kaya isinama sila sa pelikulang”Beauty and the Bestie” nina Coco Marin at Vice Ganda na isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Film Festival. Makakatulong kasi sila para mas lalong panoorin ng publiko ang nasabing pelikula kahit na siguradong magiging blockbuster naman ito dahil nga ang mga bida rito ay sina Vice at Coco na pareho rin nilang sikat na sikat at malaki ang fan base.
[divider]
Vice Ganda says ‘”It’s Showtime” is made to make people happy and not to compete with rival show
Speaking of Vice, sa show nilang “It’s Showtime” nung Saturday, ay sinabi niya sabi raw sa kanila ng mga boss nila sa ABS-CBN 2, na hindi raw sila nilagay sa noontime para kalabanin ang katapat nilang programang Eat Bulaga. Nilagay raw sila sa ganung timeslot para samahan lang daw nila ang EB sa pagpapasaya sa mga tao.