
Jolina Magdangal on family life and her son Pele
by Ruben Marasigan
Ideal family ang tingin ng marami sa mag-asawang sina Jolina Magdangal, Mark Escueta at anak nilang si Pele. At ito nga ang dahlian kung bakit sila ang napiling endorser ng isang diaper brand. “Alam n’yo, kami po ay sobrang simpleng pamilya lang. Magkakatabi lang kami sa kama kapag walang magawa, bonding na namin iyon,” ani Jolina nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa presscon ng nasabing produkto.
Ang kanilang sikreto? “Siguro kasi hands on kaming parents kay Pele, kapag nasa taping ako or halimbawa nagsasama kami sa gig ni Mark… we make sure may time kami para sa kanya,” bulalas ni Jolina.
“Pero minsan talaga, talagang binibigyan namin ng time na mag-family day kahit hindi Sunday. Magtsi-check in kami sa hotel kasi may mga promo-promo ‘yung hotel.Kasi si Pele, gusto niya talaga ng malambot na malambot at malamig na kama. Kaya talagang tsini-check in namin siya at naglalaro siya sa carpet.”
Magiliw na bata naman si Pele. Hindi ito suplado o tulad ng ibang bata na namimili ng taong nginingitian. “Siguro ‘yong pagiging active niya, nakikita niya rin sa amin. Kasi kapag nasa bahay kami, nilalaro namin siya palagi, e.
Kinakausap namin lagi. Tapos minsan kapag matutulog na siya, nakakatulog na lang siya dahil nakikinig siya sa usapan namin ni Mark. Gusto namin lagi siyang nando’n kapag meron kaming conversation or tsikahan, ganyan.
Kahit with friends. Or with family friends. Gusto namin nakikinig siya kapag may kuwento-kuwentuhan.”
“Sa taping kapag isinasama ko siya, alam na alam na niyang makipagstikahan sa mga tao. Hindi siya ‘yung sumpong na kapag ganitong oras na, ayaw nang humarap or nagtatago lang lagi. Mas masaya siya kapag maraming tao. Mas active siya kapag gano’n.”
“Kaya nga si Pele siguro kapag sa mga taping, ‘yung mga staff minsan inuuna pa siyang… asan si Pele? Imbes na maunang mag-hi sa akin, inuuna nilang hanapin si Pele. Kasi nga sanay silang nando’n. At saka ‘yong mga tao sa taping alam nila na may kontingh adjustments kasi alam nilang may kasama akong bagets. Pero nga since si Pele ay hindi siya pasaway, kumbaga mahal din siya ng mga kasamahan ko.”
May plano na ba silang sundan si Pele?
“Parang naiisip namin siguro next year. Baka next year pa. At sana girl,” sabay ngiti ni Jolina.
Ikinatutuwa raw ni Jolina na magkatuwang sila bilang hands on na mga magulang para kay Pele.
“Ang masasabi ko… hindi ko rin magagawa na maging okay na ganyan si Pele kung ako lang mag-isa. Sa lahat ng… siguro single parent, kung talagang napalaki nila nang maayos ang anak nila na single lang saludo ako sa kanila.Pero ako talaga, sobrang lucky ako na hands on din siya to the point na minsan mas… kasi si Mark, mabasa ang books, mabasa ng mga facts. Siya talaga ang unang nakakaalam. E ako kasi, mahilig akong making sa mga kuwento ng mga experience.”
“Siya, kahit hindi siya nakuwentuhan pero dahil nakabasa siya sa libro… mas alam niya pa. Kaya okay sa akin na gano’n siya ka-matulungin sa buong family. Kumbaga, kahit na may gig siya o kahit may iba siya na mga hobby na ginagawa, mini-make sure niya na tama pa rin ‘yong pagpapalaki kay Pele at saka hands on pa rin siya kahit papano.
Marami ang nakakapuna na mas gumanda si Jolina ngayon at sumeksi nang magkaasawa siya at magkaanak.
“Naku hindi naman po,” nangiting reaksiyon niya. “Meron pa rin po akong mga unwanted fats due to pregnancy. “Siguro sobrang happy lang talaga ako. Sobrang… hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayon na meron na kaming Pele.
“Parang ramdam na ramdam ko talaga ‘yong spirit ng family, e. Alam n’yo naman sa showbiz, kahit na anong sabihin natin… may nega at may positive.
“Pero kahit ano pa ‘yong dumating, dahil may tsikiting na nandito… masaya lang talaga. Nili-let go ko na lang ang mga bagay-bagay,” panghuling nasabi ni Jolina.