May 23, 2025
Letran wins the NCAA finals; Mark Cruz as MVP
Latest Articles Sports

Letran wins the NCAA finals; Mark Cruz as MVP

Nov 3, 2015

by Justin Pisuena

mark cruz 5   Nag-kampeyonato ang Letran laban sa five time NCAA champion na San Beda sa finals night ng game 3, Huwebes ng gabi na ginanap sa Mall of Asia, Arena sa Pasay City.

Ang 5-foot-5 na si Mark Cruz na kilala rin sa taguring ‘Ant Man,’ ang naging most valuable player [MVP] dahil siya ay nakakuha ng 14 points, 6 rebounds at seven assists at naging malaking tulong sa koponan ng Letran, 85-82 sa overtime.

“Sobra kaming gutom na manalo. Talagang ginawa namin ang lahat dito sa championship, ani Cruz “Three years na kaming natalo sa San Beda. Ngayon, nakuha na namin [championship] kaya’t sobra talagang sarap [nitong victory].”

Si Cruz ay may average na 17.3 points, 6.3 rebounds, 4.3 assists and 3.0 steals kada laro kaya’t di kataka-takang hinirang itong MVP sa finals.

mark cruz 4“Pressured kami nung dulo, pero nag-stick kami sa gameplan at ganun pa rin ang ginawa namin nung overtime,” kuwento ni Mark Cruz. “Sobrang laki nito dahil yung kumpyansa ko, siguradong mabu-boost dito,” dagdag pa nito.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations sa Letran Knights! Mabuhay kayo!

Leave a comment

Leave a Reply