
Star Hotshots PBA player Allein Maliksi was suspended indefinitely
by Justin Pisuena
Ang power forward ng Star Hotshots na si Allein Maliksi ay sinuspinde nang dahilan sa post niya sa Instagram kamakailan tungkol sa kakaunting oras ng playing time na natatanggap niya.
“Na-suspend indefinitely si Allein. Siya ang nagsabi sa akin,” ani Danny Espiritu na isang player agent .
Si Allein Gail Q. Maliksi ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro para sa koponan ng Star Hotshots sa Philippines Basketball Association. Naging pang 8 draft siya ng Barako Bull Enegery noong taong 2011 PBA draft.
Sa mga followers ni Maliksi na nakabasa ng kanyang post sa Instagram, ayon sa kanila ay naramdaman nila na tila hindi na masaya si Maliksi sa paglalaro niya sa nasabing koponan kung saan kabilang siya at mayroong average ng 6.5 minutos sa kanyang playing time.
“Nag sorry naman siya (Maliksi), at ang sabi ko lang, you just need to humble yourself dahil nag-start sa iyo yun, e.” dagdag ni Espiritu.
Binanggit din ni Espiritu na hindi niya ginawa dapat yun noong una palang. Pero ngayon nga ay kailangan niya na lang tanggapin ang kinalabasan ang ginawa niyang hindi ka nais nais.
“Ang sabi lang sa kanya ni coach Jason (Webb), I will give you a call. Which means, kung kailan niya gusto itong ipatawag, saka siya (Maliksi), muling pababalikin sa team,” dagdag niya.