May 24, 2025
Who will be playing the next ‘Darna’?
Home Page Slider Latest Articles

Who will be playing the next ‘Darna’?

Nov 3, 2015

by PSR News Bureau
angelNaging usap-usapan sa social media ang naging emosyonal na pag-announce ni Angel Locsin na hindi na ito ang gaganap bilang ‘Darna’ sa muling paglipad ng paboritong Filipino hero mula sa serye ni Mars Ravelo sa pelikula. Matatandaan na inamin ni Angel na bagamat masakit para sa kanyang tanggapin, hindi na niya magagawa pa ang nasabing remake ng pelikula dahil sa kanyang naging sakit sa likod.

Kaya naman, mula nang opisyal nang mabakante ang pagganap ng ‘Darna,’ naging maugong na ang bali-balita na marami sa Kapamilya stars ang mga nangangarap at pinagpipilian upang gumanap sa nasabing role ni Darna/Narda sa pelikulang nakatakdang gawin mula sa Star Cinema. Kaugnay nito, lumutang ang mga pangalan nina KC Concepcion, Iza Calzado, Maja Darna-WhoSalvador, Kim Chiu, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at maging ang mga promising na baguhang sina Sofia Andres, Coleen Garcia, , Julia Barretto at Liza Soberano. Ang tanong lang ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), sa mga pangalang nabanggit, sino kaya ang may ‘K’ or karapatan sa kanila na gampanan ang papel na nagpasikat sa maraming aktres tulad nina Gov. Vilma Santos-Recto, Nanette Medved, Anjanette Abayari at ni Angel Locsin?
May alingasngas din na baka ibigay din ng Star Cinema ang naturang proyekto kay Anne Curtis kahit pa may mga anne curtishindi sumasangayon dito dahil gumanap na raw ito biulang Dyesebel [isa pang Mars Ravelo character]. Ang fans naman ni Anne ay nagpo-protesta, anila, puwede pa rin naman daw gampanan ni Anne ang Darna dahil kung si Gov.  Vilma nga raw ay naging parehas Dyesebel at Darna. Naniniwala silang kayang-kaya rin iyon ni Anne. Gaya ni Angel, sporty rin naman daw itong si Anne at walang takot gawin ang mga stunts na pinatuyan na niya sa kanyang mga naging concerts. Ang mga detractors naman ng aktres, sinasabing may edad na si Anne at ipaubaya na lang daw
nito ang proyekto sa mga nakababatang artistang baguhan upang magkaroon naman ng sariling big break.

Habang naghahanap pa nang bagong papalit sa papel na nabakante ni Angel bilang Darna, patuloy na umaasa ang fans ng bawat nasabing artista na sana ay ang kanilang iniidolo ang mapili ng pamunuan ng Star Cinema. Sino sa palagay ninyo ang deserving bilang bagong Darna?

Leave a comment

Leave a Reply