
Nadine Lustre celebrates birthday abroad; James Reid sends his birthday greeting
by PSR News Bureau
Hindi man sa bansa nag-celebrate ang aktres na si Nadine Lustre nang kanyang kaarawan dahil kasalukyan itong nagbabakasyon kasama ang kanyang kaibigang si Yassi Pressman sa Korea, ipinahatid naman ng kanyang katambal na si James Reid ang kanyang mainit na pagbati sa kapareha. Kahit medyo na late sa pagbati si James, hindi nito pinalampas ang pagkakataon upang mabigyan ng kasiyahan ang dalaga. Nag-post ito ng larawan nila ni Nadine na magkayakap at may caption na:“Happy birthday! Got something for you when you get back…@nadslustre”
Sa simpleng post na iyon ni James, umani agad iyon ng maraming kilig sa fans ng sikat nilang teleseryeng ‘On The Wings Of Love,’ maging ng mga JaDine fanatics. Sa isang simpleng post na iyon ay nagkagulo na ang fans nila. Lahat ay inantabayanan ang magiging sagot ni Nadine. Iba’t- ibang komento ang mababasa sa naturang post. Ang nakakaaliw ay mukhang mas excited pa ang fans na malaman kung ano yung sinasabi ni James na regalo niya sa dalaga kaysa kay Nadine mismo.
Maliban pa rito, nakakakilig rin ang naging mensahe ni James kay Nadine sa ASAP 20 noong Linggo, sabi ng guwapong binata nang matanong ito kung ano ang birthday wish niya para sa dalaga: “To stay yourself and keep your individuality. You’re very different.
Keep that.
” Kung tutuusin, simple lang ang wish at hindi naman dapat kakiligan ng fans, pero iba ang dating kapag si James Reid ang nagsasalita at iyon mismo ang nakakapagpakilig sa fans.
Maging sa serye nilang OTWOL, bilang si Clark, simple rin lang ang mga linya ni James sa nasabing serye, pero kapag binibitiwan na nito ang mga linya, sobrang nakakatunaw na ng puso. Kilig to the bones talaga ang lahat samahan pa ng malalagkit na titig nito sa kanyang kaparehang si Leah [Nadine]. Sadyang may talento ang guwapong aktor na pampakilig sa kanyang mga manonood. Kaya’t kahit sabihin pang hindi naman tunay na magkarelasyon sina James at Nadine sa tunay na buhay, hindi ito alintana ng fans. Ang mahalaga nage-enjoy sila na pinapanood ang