
Maine Medoza’s Twitter account got hacked but was able to retrieve again
by PSR News Bureau
There will always be a price to pay kapag sumikat ang isang tao. Ganyan mismo ang nangyari kay Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Recently, na-hacked ang kanyang Twitter account, isa sa mga ginagamit ng other half ng sikat na loveteam na ‘AlDub’ ng noontime show na “Eat Bulaga.” Dahil sikat na sikat at mainit ang dating sa publiko ni Maine kung kaya’t ang Twitter account nito ang pinuntirya ng grupong ‘Anonymous Philippines.’ Ayon sa Anonymous Philippines, hindi sila against sa Aldubnation, napili lang nilang gamitin ang account ni Maine upang ipahayag ang mensahe na gusto nilang iparating sa publiko. Sa dami ng followers ng dalaga, nakakasiguro ang
Anonymous Philippines na anuman ang maging mensahe nila’y makakarating sa mga kinauukulan. Humingi pa nga ng pasensiya ang grupo na sinabing ipinadaan lang nila ang kanilang mensahe sa Twitter account ni Yaya Dub pero binigyang diin nila na hindi sila kaaway ng AlDub nation.
Si Maine kasi ay may malaking follower na 24M kung saan halos ka-level na nito ang mga naglalakihang Hollywood personalities tulad nina Katy Perry at Taylor Swift.
Sa mga panahon na ito ay na-retrieve nang muli ni Maine ang kanyang Twitter account. Sa huli nga nitong tweet, nag-post ito ng: “Bawal ang sad, dapat happy! Kumusta kayo? Nagbabalik, Yaya Dub.