May 23, 2025
Two losing streaks for UST
Sports

Two losing streaks for UST

Nov 5, 2015

by Justin P

UST_Varsity_Logo_2013Hindi na nagbigay pa ng anumang komento o dahilan ang head coach ng University of Santo Tomas (UST) na si Bong dela Cruz matapos silang matalo sa University of the East (UE) noong Miyerkules.

“We can’t make alibis,” sabi ni Dela Cruz kung saan ang koponan niya ay dalawang beses nang natalo sa tatlong magkakasunod na laro. “It’s a bad game for us and UE played extremely well.”

bong dela cruzHindi na hinayaan ng koponan ng UE na makakuha ng madaling tira ang koponan ng UST. Kaya ang field goal percentage ng UST ay mabababa, 39 percent, habang ang UE ay nakakuha ng 46 percent field goals.

Naging halimaw din ang UE sa rebounding departments, 47-38, at nakapag dagdag ng 24 assists.

“We just couldn’t find any answers for their full-court press. They played extremely well we couldn’t execute,” dagdag niya.

[divider]

Beau Belga justifies his ‘signature gesture’ after making a shot

beau belgaNag-init ang ulo ng tinaguriang big man ng Rain or Shine na si Beau Belga sa laban nila ng koponan ng San Miguel. Karamihan ng tira niya sa perimeter ay pumasok. Dahilan ito upang gawin ni Belga ang nakasanayan niyang ‘signature gesture’ kung saan siya umaarte na parang siya mamamaril kapag siya ay nakaka-shoot.

“Siguro (swerte) sumu-shoot yung tira ko eh, so ‘wag baguhin kung nakakashoot. Uulit-ulitin ko,” nakangiting sinabi ni Belga.

Ngunit ang totoo niyan ay nakikipagbiruan lamang siya kay William Marcial na isang PBA media bureau chief.

“Kay boss Willie ‘yun, biruan namin ‘yun eh. Wala siya kanina, so kung sino na lang ang tamaan [nung imaginary gun niya], hindi joke lang,” pag-amin niya. “Biruan namin ‘yun pag nakaka-shoot ako babarilin ko siya. Pag nagmimintis ako babarilin niya rin ako,” dagdag niya.

Tinanong din si Belga kung ano ang kanyang gagawin niya kung sakaling patigilin siya sa mga ipinapakita niyang arte kapag siya ay nakaka-shoot?

“Wala naman akong nakikitang masama doon. Kung pagsasabihan ako eh ‘di tatanggalin ko, pero as long as hindi pa naman [siya pinagsasabihan], wala naman siguro masama, at saka expression lang naman ‘yun eh, ‘yung tuwa ko inilalabas ko na lang sa ganoon, so, ‘yun.”

Leave a comment

Leave a Reply