June 8, 2025
Is Jessy Mendiola interested to be considered for ‘Darna’?
Home Page Slider Latest Articles

Is Jessy Mendiola interested to be considered for ‘Darna’?

Nov 6, 2015

by PSR News Bureau

jessy-mendiolaPinaguusapan sa social media ang ginawa umanong ‘pagpapapansin’ ng
aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram account. Lately kasi
ay maraming posts si Jessy na ipinapakita nito ang kanyang sexy body.
Nariyang naka-bikini ito ng kulay pula kung saan kitang-kita ang
magandang hugis at curves ng katawan ng aktres. Ayon sa ilang komento,
ito raw ba ay sinasadyang gawin ni Jessy upang kahit paano’y
mapabilang siya sa listahan ng mga aktres na pinagpipilian para
gumanap na ‘Darna’ bilang kapalit ni Angel Locsin?

jessy mendiola“I feel flattered na may mga nag-comment nga na bakit hindi na lang
daw ako yung gawin nilang ‘Darna,’” sabi ni Jessy sa isang panayam.
“Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako nag-posts ng mga
ganung larawan. Natural lang naman na nasa beach ako, so alangan naman
na mag turtle neck ako dun? At saka marami talaga akong pictures na
medyo sexy sa Instagram ko,” paliwanag nito.

Kung sakali naman na ma-consider siya for the role, aniya isang
malaking honor ito para sa kanya. “Siyempre, matutuwa ako. Sino ba
naming hindi? If you’re given a title role and a huge and popular one
at that, I’d probably be over the moon. Pero alam kong maraming
pinapipilian at hindi iyon magiging biro if ever. For two years,
JESSY-Mendiolanagsikap si Angel to train for that role. Yung papalit sa kanya, will
surely have big shoes to fill.”

Leave a comment

Leave a Reply