
JM de Guzman misses ex girlfriend Jessy, posts his emotions via Instagram
by PSR News Bureau
Sabi nga ng marami, hindi mo ma-realize ang halaga ng isang tao sa iyo hangga’t hindi siya nawawala sa buhay mo. Marahil ito ang naisip ng aktor ma si JM de Guzman. Kamakailan nga ay napabalitang break na sila ng nobya niyang si Jessy Mendiola.
Kung tutuusin, pangalawang beses na nila itong nagmahalan. Nag-break na sila dati lalo pa’t nagkaroon ng panahon si JM kung saan sumubok ito ng drugs. Matagal din bago muling nasungkit ni JM ang puso ni Jessy. Ilang buwan din niya itong sinuyong muli. Kaya naman, ang huling breakup nila ang maituturing na bilang biggest blow para sa kanilang naging relasyon. Lahat ng sakripisyo pala nila ay sa wala rin lang mapupunta.
Kahapon, November 9, nag-post si JM sa kanyang Instagram ng ilang messages na sinasabing nami-miss nito ang dalaga. Sabi ni JM sa post: wanted: I miss you. Angpaboritokongsakitsaulo. Congrats sa soap! 🙂Kahit naman hiwalay na silang dalawa, mukhang napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan. Ang sagot naman ni Jessy sa post ni JM ay: “Mas sakit ka sa ulo. Salamat.”
Sinabi ni Jessy na mutual decision nila ni JM ang maghiwalay. Mas gusto nilang mag-focus na lang sa kanilang karera at wala naman umano silang pinagsisihan sa naging relasyon nila. “I’d like to believe na we’re still friends. Okay naman kasi kami ni JM,” pagtatapos ni Jessy.
Tingnan na lang natin kung muling mauuwi ito sa pagmamahalan gaya ng dati. Pero sa ngayon, masaya sina JM at Jessy na muling maging magkaibigan.