May 23, 2025
Lovi Poe and Rocco Nacino: Have they broken up?
Home Page Slider Latest Articles

Lovi Poe and Rocco Nacino: Have they broken up?

Nov 11, 2015

 

by PSR News Bureau

lovi poe and rocoNang unang pagkakataon na umamin sina Lovi Poe at Rocco Nacino tungkol sa kanilang relasyon, nabanggit ni Rocco na si Lovi na ang maituturing niyang ‘greatest love.’ Ngunit mukhang nagbabago ang ihip ng hangin, napabalita kasi na mukhang hindi na daw maganda ang samahan ng dalawa. Ang dati umanong matamis na pagtitinginan ng dalawang Kapuso stars ay unti-unti nang umaasim. Nagkaroon ng alingasngas matapos mag-post ni Lovi sa kanyang Instagram account na mayroong larawan ng Paris at isang cryptic message kung saan nakasaad: “If you’re going to be sad, you might as well be sad in Paris.”

rocco-and-loviMaraming espekulasyon na ang boyfriend nitong si Rocco ang pinatutungkulan ng mensahe na iyon lalo pa’t isa ang Paris, France sa paboritong destinasyon ng magkarelasyon. Balibalitang nagkakalabuan na daw ang relasyon nila. Maging ang best friend ni Lovi at co-star nilang si Heart Evangelista ay natanong na rin tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang kaibigan. Ayon naman kay Heart, ayaw daw nitong makielam.

Kung totoo man ang balitang ito, hindi pa rin pala suwerte sa pag-ibig si Lovi. Matapos nitong makipagrelasyon kay Ronald Singson Rocco-Nacino-Lovi-Poedati, buong akala ng lahat ay si Rocco na nga ang lalaking para sa kanya. Magkaganoon man, hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na maayos ang anuman na pinagdaraanan ng relasyon nina Lovi at Rocco. After all, bagay na bagay naman sila sa isa’t-isa.

Leave a comment

Leave a Reply