May 23, 2025
Raymond Bagatsing transforms into a National Artist in “Dahlin’ Nick”
Faces and Places Latest Articles Movies

Raymond Bagatsing transforms into a National Artist in “Dahlin’ Nick”

Nov 13, 2015

by Archie Liao

raymond bagatsingDream project na maituturing ng magaling at premyadong actor na si Raymond Bagatsing ang gumanap na isa sa mga pinaka-importanteng tao sa kasaysayan ng panitikan sa bansa na si Nick Joaquin, kilala bilang isang National Artist for Literature. Nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) si Raymond kamakailan lang tungkol sa kanyang makasaysayang pagganap kay Nick Joaquin.

Pamilyar ka ba kay Nick Joaquin?

nick joaquin“Pamilyar ako dahil may ginawa na akong play noon sa CCP. It was directed by Anton Juan with Ben Cervantes. It was written by Nick Joaquin. That’s the only time that I know his work not until inialok sa akin iyong role ko rito sa “Dahlin’ Nick.”

Ano ang mga paghahandang ginawa mo sa pagtalakay mo sa buhay ni Nick Joaquin?

“Nag-research talaga ako. Nagbasa ako ng prose and poems. Pati iyong mga works niya. Actually, pinakamahirap siya sa lahat ng films na nagawa ko dahil may hinahabol akong pagkatao, naghahabol din ako ng hitsura so kailangan kong mag-transform pero wala naman talagang 100% transformation dahil si Nick Joaquin iyon. Sabi ko nga, kung pinuri nila ang pag-arte ko rito, I failed kasi dapat mas makilala ng mga tao si Nick Joaquin na isang henyo na tulad ng ibang Pinoy ay nasa dugo ang “greatness.”

What’s your favorite work ni Nick Joaquin?

“It’s Mayday Eve. I played the role of Don Badoy na kasama sa three o four stories na ni-recreate namin dito sa pelikula.”

Ano ang pagkakakilala mo kay Nick Joaquin?

“Actually, para siyang modern-day Jose Rizal. Isa siyang henyo and I think, it’s about time that his story should be told. Mahilig din siyang magsabi ng salitang ‘Dahlin!,’ like ‘How are you, dahlin?,’ kaya iyon ang naging title ng pelikula. Sociable siya and yet may pagkakataon na reclusive rin siya tulad ko na pag walang trabaho, mas nag-e-enjoy ako to stay home, enjoy the indoors at magbasa ng mga libro sa bahay. Sa pagre-research ko, medyo effeminate siya so may ganoong tema. Hindi naman na-confirm kung ano talaga ang sexuality niya. National Artist for Literature siya so ang language niya iba and he likes to speak Spanish so may mga ganun ako. And he’s very Bohemian. Mahilig siyang uminom, mahilig siyang kumanta ng mga old jazz,” pagbabalik tanaw niya.

Ano pa ang naging mga karanasan mo sa engkuwentro mo kay Nick Joaquin?

“Hindi madali para sa akin. Iba kasi si Nick Joaquin.Siya iyong tipong academic, very intellectual. Siguro, if there’s anything that binds us, it’s the love for the arts dahil isa akong artista. May libro ako ni Nick Joaquin na may photo niya. Laging nasa bedside table ko siya. Parang sixth sense. Iyon bang gusto ko siyang kausapin and to speak to him na pasukin niya ang espiritu ko para mabigyan ko ng justice iyong kanyang pagkatao,” aniya. “Interesting rin to note na hindi siya nag-formal education. Hindi siya nagtapos ng pag-aaral at ibinuhos niya ang panahon niya sa pagbabasa and yet naging magaling na English writer pa siya at naideklarang National Artist,” pahabol niya.

raymong bagatsing 1Kontrobersyal si Nick Joaquin dahil bago siya pumayag na tanggapin ang kanyang National Artist award ay nagbigay siya ng kondisyon sa mga Marcos na tatanggapin lang ang parangal kung palalayain ang isang political prisoner noong panahon ng diktadurya. Sa palagay mo ba, justified ito under the circumstance o isang kapritso o “caprice” on his part?

“It’s not actually a caprice kasi ginagawa niya iyon dahil may prinsipyo siya, may ipinaglalaban siya. Ginawa niya iyon para palayain si Pete Lacaba na inakusahan noong leftist at na-detain dahil sa paglaban niya sa rehimen ni Marcos noon.”

Part docu, part fiction at experimental ang pelikula.Sa palagay mo ba, isang romanticized account ng buhay at mga obra ni Nick Joaquin ang “Dahlin’ Nick”?
“I believe naman na sa buhay natin, kailangang mag-inject ka ng romance para maging exciting dahil naroon ang enjoyment ng buhay. Pag nawala ang romance, parang wala rin siyang lasa tulad sa pagkain. Minsan, kinakailangan ng romansa para mas maging interesting ang pagkukuwento na hindi mo naman iku-compromise iyong totoo,” pagtatapos niya.
Mula sa direksyon ni Sari Dalena (The Guerilla is a Poet), kabituin ni Raymond sa “Dahlin’ Nick” sina Alessandra de Rossi, Ma. Isabel Lopez, Adrian Cabido, Paul Cedric Juan, Banaue Miclat-Janssen, Che Ramos-Cocio, Ping Medina, Roli Inocencio, Kiko Matos, Angelina Kanapi, Dindi Gallardo, Lance Raymundo, Bernardo Bernardo, Emmanuel Dela Cruz, Nick Lizaso, Karl Medina, Ross Pesigan, Thea Yrastorza, Kris Lanot Lacaba, Karla Pambid, Opaline Santos, Aba Lluch Dalena, Ronah Adiel Rostata, Darwin Gordon de Roxas, Nico Bagsic, Bong Cabrera, Gabby Padilla, Hazel Faith Dela Cruz, Jasmine Capule, Jessa Lyn Capule, Cos Zicarelli, Faye Alhambra, Johnny Regana, Kino Sicat, Paris Sicat, Kirsten Moya, Rica Abad at Jane Valderama, Noemi Bayoneta.
Kalahok ang “Dahlin’ Nick” sa 2015 Cinemaone Originals filmfest.

Leave a comment

Leave a Reply