
Mayweather on Pacquiao: “Once again, I dissected this fighter, the so-called ‘best fighter of our generation.”
by Justin P
Nang magpasyang mag-retiro si Floyd Mayweather noong buwan ng September sa mundo ng boksing, hindi na ito nag-entertain pa ng kahit na anong may kinalaman sa sinasabing requests ng fans na muli silang maglaban ni Manny Pacquiao. Sa katunayan, ibinasura ni Mayweather Jr. ang apela ni Pacquiao para magkaroon ng rematch.
“It’s all bullshsit. What they’re doing is this, once again, piggybacking off my name to sell pay-per-view numbers when he does go out there and fight again,” pagdidiin pa ni Mayweather.
Matatandaang nagtuos noon sina Pacquiao at Mayweather noong Mayo 2 kung saan karamihan sa mga tao ay inabangan ang laban nito at sa nasabing laban nga ay nanalo si Mayweather via unanimous decision.
“Once again, I dissected this fighter, the so-called ‘best fighter of our generation.’ I dissected him; probably 10 to 2, really 11 to 1, but it’s safe to say 10 to 2,” dagdag niya.
Binigyang diin ni Mayweather Jr. na anuman ang namagitan na laban sa kanila ni Pacquiao ay tapos na. Sapat na raw na binigyan niya ng pagkakataon si Pacquiao upang makalaban niya. Hindi na raw siya bukas sa muling pakikipaglaban dito. Hangad din daw niya na sana’y tigilan na siya ng kampo ni Pacquiao sa patuloy na paggamit ng kanyang iniingatang pangalan sa tuwing lalaban ito. Masaya na raw siyang nag-retire sa rurok ng kanyang tagumpay. Hanggang ngayon ay ninanamnam pa niya ang kanyang mga victories bilang undeafeated boxer of all time. Isa raw itong bagay na maaari niyang maipagmalaki sa mundo.