May 23, 2025
“Child Haus,” a film collaboration born out of love; Katrina Halili moved by the inspiring stories of cancer victims
Faces and Places Latest Articles Movies

“Child Haus,” a film collaboration born out of love; Katrina Halili moved by the inspiring stories of cancer victims

Nov 17, 2015

Archie liao

by Archie Liao

Child Haus (2)Twelve years na ang Child Haus, ang kauna-unahang charitable institution sa bansa na nagbibigay ng pansamantalang tahanan sa mga batang biktima ng kanser. Kilala bilang isang philanthropist ang hair and beauty expert na si Mother Ricky Reyes. Isa siya sa mga walang sawang sumusuporta sa Child Haus.

Kapuri-puri ang na si Mother Ricky Reyes sa kanyang proyektong ito na kahit walang suportang pinansiyal na nakukuha sa gobyerno ay patuloy pa rin ang pagtulong sa ating mga kapuspalad na mga batang nakikipaglaban sa “Big C.”

“More than 13,000 children na ang nag-benefit sa amin all over the country, pero we’re glad na marami nang nag-good bye. Iyong iba ay nakatapos na ng gamutan at marami ring cases na hindi na nag-recur iyong cancer at normal nang muli ang buhay nila. Sa katunayan, naa-amuse at nai-inspire kami sa kanilang mga success stories sa kanilang laban sa kanser. Dito kasi sa Child Haus, they are well provided for. May libreng pagkain sila. They eat 3 square meals at malaki ang support system na ibinibigay namin sa kanila, sa kanilang treatment, kaya lumalakas ang immune system nila at tumataba sila at nakakalaban sila sa kanilang cancer. Kung nasa labas sila at mapunta lang sila sa mga depressed areas, malamang na tuksuhin sila ng kapuwa bata nila at ma-ostracize. Dito, masaya at safe sila. dahil pare-pareho silang kalbo at na-e-enjoy ang isa’t-isa kahit sa paglalaro,” kuwento ni Mother Ricky sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Child Haus (5)Ayon naman kay Ms. Baby Go, executive producer ng BG Films na siyang producer ng pelikulang “Child Haus” at partner din ng nasabing institusyon, espesyal sa kanya ang mga bata kaya na-engganyo siyang mag-prodyus ng pelikulang tatalakay sa kalagayan ng mga batang nasa temporary shelter.

“Gusto kong makatulong sa kanila na talagang totoong sila ay may sakit na kanser. Mabigyan sila ng tulong na galing sa puso kahit paano. Iyong bahagi kasi ng kikitain ng pelikula ay ido-donate para makatulong sa kanilang gamutan,” pahayag ni Ms. Baby Go.

Para naman sa director nitong si Louie Ignacio, malaking karangalan para sa kanya ang makapag-ambag ng kanyang sining sa pamamagitan ng pelikula sa endeavour na ito ni Mother Ricky Reyes at ng BG Films.

Sa kaso naman ng mga batang gumaganap sa pelikula , isang napakagandang karanasan para sa kanila ang “Child Haus” dahil nagkaroon sila ng awareness sa kalagayan ng mga cancer patients na punong-puno rin ng mga pangarap tulad nila.

Child Haus (1)Ayon pa sa mga mahuhusay na child actors na gumaganap na mga cancer victims na sina Teresa Malvar (best actress ng “Huling Chacha ni Anita”sa 2013 Cine Filipino filmfest at “Hamog” sa 2015 Cinemaone Originals filmfest ), Miggs Cuaderno, (best actor sa “Quick Change” sa 20th Cheries Cheries International filmfest sa France, best supporting actor sa “Children’s Show’ sa 2014 Cinemalaya), Vincent Magbanua (“Indio,” “Balut Country”), Erika Yu (“Laut”), Mona Louise Rey (“Munting Heredera”) at Felixia Dizon (2015 Famas nominee sa “Magkakabaung”), marami silang natutunan sa kanilang pakikisalamuha sa mga batang nakatira sa “Child Haus” noong immersion process nila.

Narito ang mga sumusunod na natutunan ng bawat batang nagsipagganap sa naturang pelikula:

Felixia: “Natutunan ko po rito to fight for your life, pray for guidance from God, stay healthy because health is wealth po.”

Miggs: “I learned to stay positive po. Kahit may sakit sila, patuloy po silang lumalaban sa cancer. Nakikipaglaro pa rin sila. Hindi po nila iniinda iyong kanilang sakit.”

Vincent: “Yung pagiging masaya kahit may sakit ka, iyon po ang natutunan ko. Dapat marunong kang makipagkaibigan at saka iyong kagustuhang mabuhay kahit na may karamdaman sila.”

Child Haus (3)Teresa: “Noong nag-immersion po kasi kami, nagkaroon po kami ng pagkakataon na makilala sila. Noong nakikipagkuwentuhan po kami sa kanila, iyung iba, ang kulit nila, kahit low ang energy nila. Hindi nila iniisip ang kalagayan nila, inisip nila ang laro pero okay lang sa kanila . Okay din po at very strong ang fighting spirit nila at iyon po ang nakaka-inspire sa kanila.”

Erika: “Always stay strong. No matter what, dapat pong maging strong kahit malala na ang sakit.”

Ayon naman kay Dr. Rosario na executive director ng “Child Haus,” karamihan sa kanilang mga batang pasyente ay leukemia victims.

Multidisciplinary rin ang approach nila sa mga kaso ng batang nasa Child Haus dahil masusi silang ini-evaluate ng mga doctor bago isailalim sa karampatang treatment kung saan involved rin ang mga dieticians, psychologists, counselors, nurses, pastors at maging ang iba pang volunteers.

Kasama rin sa counselling ang suporta na ibinibigay sa mga kaso ng terminal cases at ng mga batang nag-recur ang kanser.

Child HausMalaki naman ang pasasalamat ni Mother Ricky dahil kahit walang pinansyal na tulong na nakukuha ang Child Haus sa gobyerno ay patuloy na bumubuhos ang tulong mula sa taong may mabubuting kalooban, kasama na rito si Mr. Hans Sy ng SM Prime Holdings na nag-donate ng seven-storey building na SM Childhaus Manila na nakatakdang pasinayaan sa November 29.

Bida rin sa pelikulang “Child Haus” sina Katrina Halili, Leni Santos, Christopher Roxas, Tabs Sumulong at Inah Feleo na gumaganap na mga magulang ng mga batang may sakit sa pelikula.

Ang “Child Haus” ay official selection sa 14th Dhaka International Film Festival sa children’s section category sa Bangladesh ngayong Nobyembre.

[divider]

Katrina Halili moved by inspiring stories of cancer victims in “Child Haus”

katrina_halili_and_katie___s_adorable_mother_and_daughter_moments_1434968980Isang ina si Katrina Halili at bilang isang magulang, napakalapit ng puso niya sa mga bata kaya nga sa kanyang pakikisalamuha sa mga cancer victims ng Child Haus, ang kauna-unahang temporary shelter ng mga batang may sakit na kanser sa Pilipinas, hindi maiiwasang maantig ang puso niya.

“Noong una, naiyak talaga ako at gusto kong maawa sa kanila pero naisip ko, mas kailangan nila ang pang-unawa at tulong. Natutuwa rin ako dahil kahit bata pa sila at may malubhang karamdaman, patuloy pa rin silang lumalaban sa buhay. Iyong iba nga, parang walang sakit dahil hindi nila iniinda kung anuman ang kanilang kalagayan. Makukulit pa rin sila at nakapaglalaro tulad ng mga normal na mga bata,” kuwento ni Katrina sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

“Nakaka-inspire iyong kanilang buhay dahil sa murang edad pa lang nila, yung iba tanggap na nila ang kanilang destiny, yung iba naman, bibilib ka sa fighting spirit nila na labanan ang kanilang sakit,” dagdag na pahayag niya.

Bahagi ng immersion ni Katrina ang pag-oobserba sa mga batang nanunuluyan sa

“Child Haus” na isa sa mga advocacy projects ni Mother Ricky Reyes at ng BG Films.

Papel ng isang inang may kanser ang ginagampanan ni Katrina sa “Child Haus” sa direksyon ni Direk Louie Ignacio. Kaisa rin siya sa layuning makatulong sa mga batang may sakit sa “Child Haus” ni Mother Ricky Reyes.

katrina and daughter“Not necessarily in terms of material things, but yung mag-spend ka ng time para mapasaya sila. Basahan mo sila ng mga inspiring na mga kuwento at bisitahin mo sila, malaking bagay na iyon,” sabi ni Katrina.

Bilang isang ina, sinisikap din ni Katrina na palakihin at panatilihing malusog ang kanyang anak na si Katie na ligtas sa anumang karamdaman kahit hindi nila kapiling ang ama nitong si Kris Lawrence.

Ayon pa kay Katrina, kahit hiwalay na sila ni Kris ay nananatili raw naman silang magkaibigan. Tinutupad rin nito ang kanyang obligasyon sa kanilang anak sa pamamagitan ng pagsusustento rito

Pokus din muna si Katrina sa kanyang career at nagplaplano siya sa tulong ng ilang partners na magtayo ng resort sa El Nido sa Palawan.

Tampok sa pelikulang “Child Haus” ang mga mahuhusay na batang aktor na sina Miggs Cuaderno, Mona Louise Rey, Therese Malvar, Vincent Magbanua, Erika Yu at Felixia Dizon.

Bukod kay Katrina, gumaganap din bilang mga magulang ng mga batang may “Big C” sina Leni Santos, Christopher Roxas, Tabs Sumulong at Ina Feleo.

Ang “Child Haus” ay kalahok sa 14th Dhaka International Film Festival sa children’s section category sa Bangladesh ngayong Nobyembre.

Bukod sa “Child Haus,” mapapanood din si Katrina sa toprating Kapuso afternoon transerye na “Destiny Rose” kung saan ay may importante rin siyang papel.

Leave a comment

Leave a Reply