May 23, 2025
Joey Marquez reacts on Alma Moreno’s ‘awkward’ interview
Home Page Slider Latest Articles

Joey Marquez reacts on Alma Moreno’s ‘awkward’ interview

Nov 30, 2015

by PSR News Bureau

joey_marquez_and_alma_moreno_reunite_for_daughter_wyn_1426493068

Kahit sabihin pang matagal na silang hiwalay ni Alma Moreno, inamin ni Joey Marquez na maging siya ay nasaktan sa mga salitang ibinabato ngayon sa dati niyang asawa na tumatakbo bilang senador pagkatapos nitong magpa-interview sa programa ni Karen Davila na Headstart sa ANC channel.

Matatandaang naging usap-usapin sa social media ang nasabing panayam dahil nahirapang sumagot si Alma sa ilang naging katanungan sa kanya na may kinalaman sa isyung pampulitika. Naging viral ang naturang video at tinuligsa ng maraming netizens ang kakayahan ni Alma na tumakbo bilang isang senador sa taong 2016.

almakarenAyon kay Joey, “Nasasaktan ang mga anak ko. Pag anak ko na yung concerned, nagagalit ako.”

May tatlong anak sina Alam at Joey at isang adopted: sina Yeoj, Winwyn, VJ at MM.

Pero binigyang linaw ni Joey na patas ito ng pagtingin sa nasabing isyu. “Fair ako sa lahat na tinitingnan ko kung ano yung dahilan. Hindi mo maiaalis kay Karen yun kasi she’s only doing her work, it’s her credibility.”

“Sa aking pananaw lang naman, mahirap kasi yung tanong. Kahit siguro yung mga senador natin na ten years pa pinag-aralan yung RH bill, tanungin mo ng isang araw at saka yung BBL, hanggang ngayon hindi pa naipapasa dahl masusing pag-aaral pa ang kinakailangang gawin.”

Leave a comment

Leave a Reply