
Mom of ‘Pastillas Girl’ shot dead
by PSR News Bureau
Namatay sa pamamaslang ang ina ni Angelica Jane Yap a.k.a. Pastillas Girl [sumikat sa social media at sa noontime show na “It’s Showtime!”]na si Teresa Hernandez nitong Linggo, November 29. Binaril ang nasabing ginang sa kanang bahagi ng ulo nito ng hindi pa nakikilalang gunman sa Caloocan City.
Balak sanang kumain ni Ginang Teresa sa isang carenderia sa naturang lugar bago nangyari ang nasabing pamamaslang. Kasama ni Teresa ang kanyang isang anak na babae at isang pamangkin. Kilala bilang isang baranggay kagawad si Teresa sa kanilang lugar kung kaya’t isa rin ang pulitika sa mga tinitingnan ng pulisya na dahilan ng pagkakabaril dito. Maliban pa dito, tinitingnan din ng mga pulis ang anggulo ng pag-ibig dahil mayroon daw manliligaw si Teresa na medyo obsessed sa kanya.
Nakunan naman sa CCTV (closed-circuit television) ang pangyayari kung saan nakita ang isang lalaki na nakaputing t-shirt an naglakad papunta kay Teresa. Matapos ang ilang minute at bumulagta na nga ang ina ni Angelica dahil binaril nga ito sa ulo. Kaagad na nakatakas ang lalaki.
Naisugod man nila si Teresa sa Chinese General Hospital ngunit nalagutan rin ito ng hininga. Kasalukyan pang iniimbestigahan ang pangyayari. “I love you at sorry” lamang ang tanging nasabi ni Angelica sa kanyang ina nang kanyang maabutan ito sa ospital bagamat ito ay kininonsidera nang ‘brain dead’ nang kanyang madatnan. Naniniwala si Angelica na narinig pa siya ng kanyang ina. Humihingi si Angelica ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang mahal na ina.