May 24, 2025
Comelec division disqualifies Senator Grace Poe for running in the 2016 Presidential election
Home Page Slider Latest Articles

Comelec division disqualifies Senator Grace Poe for running in the 2016 Presidential election

Dec 2, 2015

by PSR News Bureau

Grace-Poe-300x216Marami ang hindi na nagulat nang magbaba ng desisyon ang Comelec kaugnay sa pagdi-disqualify nito para sa 2016 presidential elections. Ayon kasi sa Commission on Elections (Comelec), hindi raw natural born Filipino citizen ang senadora. Bumoto ang Comelec second division ng 3-0 pabor sa petisyong inihain ng abugadong si Estrella Elamparo para kanselahin ang certificate of candidacy ni Sen. Poe para sa pagka-pangulo.

Matatandaang matagal nang kinukuwestiyon ang pagiging Filipino ni Senador Poe. Ilang beses na rin nilang itinanggi ito ng kanyang inang si Susan Roces. Sa petisyong inihain ni Elamparo, binigyang diin nito na hindi umano umabot si Sen. Poe sa kinakailangang 10-year residency requirement na nakasaad sa Konstitusyon para sa isang kandidatong tumatakbo bilang presidente.

Ayon pa sa nakalap ng Comelec, naging residente lang si Sen. Poe noong taong July 2006 pagkatapos nitong mag-apply ng dual citizenship. Malinaw na kulang pa ng dalawang buwan bago nito maabot ang sinasabing 10-year residency rule. Ngunit iginiit naman ng abugado ni Sen.Poe na buwan pa ng May 2005 nang maging permanenteng residente ito ng bansa.

Ayon naman kay Sen. Poe, iaapela pa raw nila ang naging desisyon ng Comelec. Bukod sa nasabing disqualification case na isinampa ni Atty. Elamparo, mayroon pang apat na petisyon na naglalayong idiskwalipika si Sen. Poe sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.

Leave a comment

Leave a Reply