May 23, 2025
Tom Rodriguez denies being married in the US
Home Page Slider Latest Articles

Tom Rodriguez denies being married in the US

Dec 2, 2015

by PSR News Bureau

Tom-Rodriguez-23Mariing itinanggi ng guwapong Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang akusasyon na mayroon na raw itong naging asawa sa Amerika. Ayon kasi sa mga balitang lumabas recently, kasal na raw ito sa kanyang nobya doon. Pinabulaanan naman ito ni Tom. “I have never been married in my whole life. And I have no problems with anyone.” Dagdag pa niya: “I appreciate the concern. Pero blindly coming to conclusions and assuming is never a good thing.”

Marami sa fans ang nagtanggol kay Tom sa akusasyon ng ilang fans na kaagad na naniwala sa nasabing isyu. Anila hindi sila naniniwala na mayroon na itong itinatagong asawa sa Amerika. “Kung ikakasal ako, hindi ko po iyon itatago. Ipagmamalaki ko pa nga kasi mapapangasawa ko ang babaeng pinakamamahal ko,” saad ni Tom.

Pakiusap pa ni Tom: “Wala po akong kasalanan kahit na kanino. Lalo na po kay Carla [Abellana], kaya sana po respeto naman lang po sa akin, huwag pong mambintang. Salamat po.”

Leave a comment

Leave a Reply