May 23, 2025
Sam Milby’s The Milby Way Concert Coverage
Home Page Slider Latest Articles

Sam Milby’s The Milby Way Concert Coverage

Dec 9, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose Antazo

hqdefaultKatatapos lang ng matagumpay na concert ng hunk na si Sam Milby. Isang patunay ito na hindi pa rin kumukupas ang kanyang kinang sa showbiz.In fairness, ibang level ang performance ng Kapamilya heartthrob na si Sam Milby sa celebration ng kanyang 10th anniversary na The Milby Way na produced ng Cornerstone Production na ginanap sa Kia Theatre, Cubao noong Nobyembre 28.

Star-studded ang event at suportado si Sam ng mga taong nagmamahal sa kanya lalo na ng kanyang kapwa artista, singer, kaibigan, kapamilya at siyempre ang mga nagmamahal na fans na siyang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa industriya.

Bongga ang design ng stage ng Kia Theatre at parang foreign artist ang magpe-perform dahil ang ganda ng special effects and lightning sa stage. Lutang na lutang ang kaguwapuhan at pagiging hunk ni Sam. Sa kanyang opening numbers ay hiyawan agad ang audience nang kantahin niya ang Sexy and I Know It kasama ang G-Force Dancers.

In between ng production number ay may mga video na ipinapalabas kung saan binabati ang singer-actor ng kanyang mga nakasama sa pelikula at TV shows. Kaaliw lang dahil binubuko nila ang tunay na ugali ni Sam bilang isang tao at hindi bilang artista. At sabi nga ng napakagandang aktres na si Bea Alonzo.

“Si Sam Milby ay napakabait na taong nakilala ko sa showbiz at maski na siya ang lalaki sa grupo naming kapag may show kami sa ibang bansa at pinakamatanda, it turned out na siya ang baby boy sa grupo lalo na kapag naglalambing. At heto pa, hindi mo iisipin na ang guwapo-guwapo, pero ‘pag umutot, ang baho, grabe,” pambubuking pa ni Bea.

Samantala, ilan sa naging special guest ni Sam sa kanyang anniversary concert ay ang Pop Rock Princess na si Yeng Constantino. Nag-duet sila ng “Thinking Out Loud” at solo number naman ni Yeng ang “Crying” ng Aerosmith. Napa-wow ang audience dahil sa galing at taas ng boses ni Yeng. Ibang klaseng concert performer talaga si Yeng.

Kinanta rin ni Sam ang “Huling El Bimbo” at “Sabihin Mo Na” at “You Oughta Know.” Hindi naman nagpatalbog si KZ Tandingan na guest din at nag-duet sila ni Sam ng Beatles song na “Come Together.” Nagpakitang gilas si KZ sa pagra-rap sa kantang “Lose Yourself” ni Eminem.

Next song ni Sam ang “Here Without You” ng Doors Down. Sinundan ito ng number niya kasama sina Kyla at Angeline Quinto. Kinanta nila ang soundtrack ng mga pelikulang nagawa ni Sam gaya ng “And I Love You So,” “Only You,” “My Girl,” “Maging Sino Ka Man,” “All My Life,” “You Are The One,” “Close To You” at “Crazy Little Called Love.” Sa mga movies at teleseryeng ito ay naging leading ladies ng binata sina Bea, Kim Chiu, KC Concepcion at Toni Gonzaga.

Naghandog din ng awitin at bumirit sina Kyla at Angeline ng songs na “Love Takes Time,” “Where Do Broken Hearts Go” and “My Heart Will Go On.”

Naging breaker din sa concert ang pag-ikot ikot at animo’y pagdyi-gym ng hunk actor na si Sam sa stage. Shirtless at kitang-kita ang abs ni Sam kaya naman panay ang tilian ng mga kababaihang fans dahil sa ganda ng katawan ni Sam.

Sumuporta at nagbigay ng dance number ang mga kabarakada ni Sam na sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Gerald Anderson at John Prats. Nagkaroon din sila ng pagkakataong ibuking kung sino at ano si Sam bilang kanilang kaibigan on and off camera. Thankful naman si Sam sa gift of friendship na ipinapakita sa kanya ng mga kaibigan.

Naging last guest ni Sam sa kanyang concert ang kaibigan na si Piolo Pascual. Grabe ang hiyawan nang sabay na kumanta sina Piolo at Sam ng “It’s My Life.” Wala kang itulak kabigin sa kaguwapuhan at galing kumanta ng dalawa.

After that ay kinuha naman ni Sam ang kanyang intrumento na ukulele at tumugtog ng awiting “Somewhere Over The Rainbow” at “What A Wonderful World.” Para sa amin, isa ito sa best part ng concert dahil napaka-meaningful ng song para kay Sam. Damang-dama namin ang sinseridad niya at pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanyang career all through out his 10 years in showbiz.

Of course, thankful si Sam sa mga umalalay sa kanyang career gaya nina Direk Lauren Dyogi ng PBB Season 1, ang kanyang discoverer na si Erickson, ang Cornerstone, Star Music, Star Creatives at Star Cinema. Maging si Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment Head ay hindi niya nakalimutang pasalamatan.

Touching din ang naging mensahe ni Sam sa kanyang ama na 81 years old na at nasa audience noong gabing ‘yun. Sambit niya “ I hope I can make you proud.” Dito na naging teary-eyed ang guwapong binata.

Sa kasalukuyan ay abala si Sam sa seryeng “Doble Kara” at sa ipapalabas na teleseryeng “Written in Our Stars” kung saan ay makakasama niya sina Jolina Magdangal, Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Sidelights sa concert ang mga artistang nanoood gaya ng ibang nanalo sa PBB ngayong taong ito, sina Sofia Andres at Kiray Celis. Spotted din ang sinasabing special someone o girlfriend ni Sam na isang modelo at non-showbiz. Ang ganda ng girl at masasabi naming bagay na bagay silang dalawa.

[metaslider id=18181]

Well, from your Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) family, congratulations Cornerstone Concert and Sam for a very successful The Milby Way concert. Job well done! Kudos to the people behind the show!

Leave a comment

Leave a Reply