May 23, 2025
Maine Mendoza remains down-to-earth despite stardom; tells the possibility of being Alden’s real girlfriend
Home Page Slider Latest Articles

Maine Mendoza remains down-to-earth despite stardom; tells the possibility of being Alden’s real girlfriend

Dec 11, 2015

by PSR News Bureau

maineMarami ang natutuwa sa mga personal nang nakadaupang-palad si Maine Mendoza na mas kilala bilang si ‘Yaya Dub.’ Ayon sa kanila, napaka-down-to-earth daw ng dalaga at kahit pa mayroong kaya sa buhay ay hindi mahirap lapitan. Ang sabi ng iba naman, yun daw mga taong nasa paligid ni Maine ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit pumapangit ang imahe ni Maine sa mga tao dahil ito raw mga taong nakapaligid sa kanya ang akala mo kung sino kung umasta. Pero kung kikilalanin talaga ang dalaga mismo, malayo raw ito sa suplada.

Kahit nga sikat na sikat na ito bilang kalahati ng ‘AlDUb’ loveteam, nananatili pa rind aw na nakaapak ang mga paa nito sa lupa. Hindi inilalagay ni Maine sa kanyang utak ang kasikatan. “Success is fleeting, yet it could cause so many changes in a person’s life. It’s up to me to make sure it won’t get to my head. If it happens, then it’s going to be the start of my downfall,” pakli ni Maine sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Sa tanong kung naniniwala ba siya na ayaw sa kanya ng director ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre na lumikha ng kontrobersiya sa pagti-tweet na magnobyo daw talaga sina Alden at Julie Ann San Jose?

“First and foremost po, he had already made a public apology. I don’t think I’m in the position to speak about it pa. I don’t want to blown it up into proportion. Basta Alden has denied it and the director has apologized. Okay na po iyon sakin,” paliwanag ni Maine.

maine 2In short, para kay Maine mas gugustuhin na lang ng dalaga na manahimik sa nasabing isyu dahil wala naman talaga itong nalalaman tungkol doon. Bagamat aminado si Maine na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay magmula nang makilala at sumikat, ipinagpapasalamat naman niya ito sa Panginoon dahil bibihira lang ang tulad niyang nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Kaya’t wala daw itong anumang reklamo, masaya siya sa atensiyon na ibinibigay ng publiko sa kanilang tamabalan ni Alden.

Malaki ba ang tsansa na maging sila ni Alden sa tunay na buhay?

“Sinasabi nga po namin na naniniwala po kaming walang imposible. Parehas naman kaming single. Kaya’t anuman ang mangyari sa pagitan namin, buong-puso naming tatanggapin iyon. If it’s meant to happen, it will. We’ll see, tingnan na lang po natin. Mahirap po magsalita ng patapos.”

Leave a comment

Leave a Reply