May 23, 2025
Former MMDA Chair Francis Tolentino offers his mettle as disaster management expert
Latest Articles

Former MMDA Chair Francis Tolentino offers his mettle as disaster management expert

Dec 11, 2015

Archie liao

by Archie Liao

Malawak ang karanasan ng dating MMDA chairman sa pagpapalakad ng gobyerno.

francis tolentino1Bago pa man siya naging hepe ng Metro Manila Development Authority [MMDA], naging mayor muna siya ng Tagaytay City sa loob ng siyam na taon mula 1995 hanggang 2004 na hindi pa kasama rito ang kanyang appointment bilang OIC Mayor ng lungsod ng dating Pangulong Cory Aquino mula 1986 hanggang 1987 kung saan katatapos at kapapasa pa lang niya noon ng bar bilang abogado.

Sa kanyang termino, naging alternative summer capital next to Baguio City ang Tagaytay. Mas pinaganda niya ang lungsod, pinalago ang turismo rito at binigyan ng hanapbuhay at kabuhayan ang kanyang mga nasasakupan.

Siya ang nagtayo ng Tagaytay Office of Public Safety, na nagsilbing modelo ng kanyang platapormang ipinatupad sa MMDA.

Isa sa mga programa niya sa MMDA ay ang Children’s Road Safety Park na matatagpuan sa Adriatico Street malapit sa Quirino Avenue sa Manila, na dating children’s playground, na isang lugar para sa mga bata na matutunan ang mga batas trapiko at kaligtasan sa daan sa kalakhang Maynila. Ito ay inspired ng Road Safety Park sa Singapore na layuning imulat sa mga kabataan ang disiplina sa tamang paggamit ng kalsada bilang motorista at pedestrian upang lumaki silang mga responsable at mga kapaki-pakinabang na mga mamamayan.

Sa liderato ni Tolentino, inilungsad ang kauna-unahang digitized traffic information o traffic navigator na napapakinabangan na ngayon ng mga motorista sa Metro Manila. Ang app na ito ang guide na nagbibigay ng updates tungkol sa situwasyon ng trapiko sa Kalakhang Maynila at karatig na mga lugar.

Siya rin ang nagpatupad ng pagbabalik ng Pasig River ferry system para maibsan ang traffic sa Metro Manila sa pamamagitan ng paggamit ng ferry bilang alternative transportation.

Sa industriya ng pelikulang Pilipino, malaki ang naitulong niya sa mga indie filmmakers (full length, animation, shorts, student films) sa pamamagitan ng pagsama ng mga ito sa taunang Metro Manila Film Festival.

francis tolentinoSa kanyang panunungkulan, pinatunayan rin niya ang pagiging magaling na disaster response czar sa lungsod kung saan naging hamon sa kanyang kakayahan ang pagtugon sa mga isyu ng traffic decongestion, climate change, waste management at disaster prevention sa siyudad.

Sinusuportahan din ni Tolentino ang paggamit ng alternative sources of energy sa bansa para matugunan ang mga environmental problem sa bansa tulad ng global warming.

Layunin din niyang paigtingin ang mga city at provincial structures at infrastructures sa buong bansa dahil naniniwala siyang isa ito sa mga solusyon sa problemang kinakaharap ng Pilipinas.

Paniwala rin niyang isa sa mga solusyon sa mga problemang bumabagabag sa bansa ay ang tama at sapat na koordinasyon sa mga local government units sa pamamagitan ng pagsali sa kanila sa paglutas ng mga ito.

Bilang isang disaster preparedness expert, naniniwala si dating MMDA chairman Francis Tolentino na ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan ay responsilidad hindi lang ng estado kundi ng bawat isa. Ito ay nagsisimula at natatapos sa pagiging alerto, may alam at may kahandaan kaya isinusulong niya ang motto niyang “Be Alert. Be Prepared. Be Informed.” Iyan ang kanyang pangunahing adbokasya na isinusulong at patuloy na isusulong kung sakaling mahahalal siya bilang senador.

Leave a comment

Leave a Reply