
“A Second Chance” breaks the box-office record as the highest grossing non-MMFF film of all time with Php442 million
by PSR News Bureau
Halos walong taon ang inabot at hinintay ng fans bago nasundan ang pelikulang “One More Chance” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Sa ikalawang sequel, “A Second Change,” hindi pa rin bumitiw ang fans na sumusubaybay sa makulay na kuwento ng pag-ibig nina Basha at Popoy. Ayon sa pamunuan ng Star Cinema, kumita ang nasabing pelikula at isa itong certified box office hit at tinalo pa ang kinita ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na “Starting Over Again” na kumita ng Php400 million during its theater run sa loob ng isang buwan. Ang “A Second Chance” ay kumita ng the same amount sa loob lamang ng 10 araw.
Ang record para sa highest grossing Filipino film of all time ay hawak ng MMFF 2014 entry, The Amazing Praybeyt Benjamin. Ang naturang pelikula ay nakalikom ng P456 million in 22 days.
Masayang-masaya naman sina John Lloyd at Bea sa naging mainit na pagtanggap ng publiko sa muli nilang pagtatambal. Hindi raw nila ine-expect na kasasabikan pa rin ang love story nina Basha at Popoy pagkatapos ng halos isang dekada na ang nakalipas. “Hindi namin inaasahan ito. Pero sobrang grateful kami sa malugod na pagtanggap ng tao sa tambalan namin,” sabi ni Bea. “Iba pa rin kasi siguro yung nakikita ng mga taong screen chemistry namin ni Bea. Yun din siguro yung sikreto nun maliban sa ganda ng istorya,” paliwanag ni John Lloyd.
Hindi naman maikakaila na malakas pa rin ang hatak ng tambalang John Lloyd-Bea kahit pa alam ng lahat na may kanya-kanya silang karelasyon sa kasalukuyan, si Bea kay Zanjoe Marudo at si John Lloyd, kay Angelica Panganiban.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations to the staff and crew ng “A Second Chance” pati na sa pamunuan ng Star Cinema.