May 25, 2025
Julie Ann San Jose thanks Maine Mendoza
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Julie Ann San Jose thanks Maine Mendoza

Dec 15, 2015

by PSR News Bureau

julie annBagamat inamin ni Julie Ann San Jose na medyo nagulat ito nang lumapit, niyakap at kinausap siya ni Maine Mendoza noong nakaraang Linggo sa backstage ng Sunday Pinasaya. Naging masaya siya at kaagad na nagpasalamat sa ipinakitang kababaang loob ni Maine sa kanya. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng singer at ng AlDub nation dahil na-bash ng todo si Julie Ann dahil sa ginawang pagtu-tweet ng direktor na si Rich Ilustre nang sinabi nito na si Julia Ann ang tunay na nobya ni Alden Richards.

Bago kasi nakilala at naging phenomenal ang ‘AlDub’ loveteam, naunang naging kapareha ni Julie Ann si Alden sa ilang proyektong pinagsamahan nilang dalawa sa GMA 7 bago ito itinambal kay Maine.

“Okay naman po talaga kami ni Maine. Wala naman po talagang dapat kaming pag-awayan,” sabi ni Julie Ann. “Nakaka-touch at nakakataba ng puso lalo’t first time lang naming nag-meet.”
Hindi iyon ang talagang unang pagkakataon na nagkita silang dalawa. Pero iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagusap talaga sila. “Nagkita na kami dati sa Walk of Fame ceremony sa Eastwood, pero tipong ‘hi-hello’ lang. Wala yung ganitong mas intimate na talk.”

Ang mensahe niya kay Maine: “Thank you.”
“At saka fan naman nila talaga ako. Kumbaga, I’m happy for their success. Wala kaming bitterness kasi wala naman nga pong dapat maging issue. Ang goal po namin parehas lang lahat, yung makapaghatid ng tuwa at saya sa fans. I also do it myself, I make fans happy through my music tours.”

aldub-coca-cola-tvcKomportable naman daw si Julie Ann na katrabaho si Alden. Naniniwala rin ang dalaga na hindi kailanman nakaapekto ang nasabing naging isyu sa pagkakaibigan at professional work nila ni Alden. “Mas masaya nga kasi dalawa na silang friends ko ngayon. [Alden at Maine].” Open nga rin daw ang singer kung sakaling makatrabaho niya silang dalawa sa iisang proyekto. “I wouldn’t really mind kasi they’re the hottest loveteam now. It would be such an honor pa nga.”

Leave a comment

Leave a Reply