May 26, 2025
Phenomenal Star Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza admits her insecurities
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

Phenomenal Star Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza admits her insecurities

Dec 15, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

maine 1Bongga ang naging interview ni Ms. Jessica Soho sa Phenomenal Star na si Maine Mendoza na mas kilala bilang si ‘Yaya Dub’ para sa Kapuso Mo Jessica Soho, noong December 13 dahil napakaraming revelation ni Maine tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Bukod sa beauty and brains ang ka-loveteam ng ‘Pambansang Bae’ na si Alden Richards ay mararamdaman mo sa kanya ang sinseridad bilang isang mabait at edukadang babae. Isa nga sa ikinagulat ng marami ay ‘yung sa kabila ng kasikatang kanyang tinatamasa ngayon ay isa pala siyang babae na mayroong insecurities. Marami nga ang hindi makapaniwala dahil lumaki si Maine sa isang pamilya na nakakataas sa buhay at halos lahat ay mayroon siya kaya nakapagtatakang may itinatago siyang insecurities sa kanyang sarili.

“Yes po. Sobrang baba lang po ng self-esteem ko. Mahirap pong isipin kong ano’ng nakikita nila sa TV,” pahayag ni Maine sa harap ni Ms. Jessica.

Maging si Maine nga raw ay hindi makakapaniwala sa tagumpay at kasikatang tinatamasa niya. Sundot na tanong sa kanya ng batikang TV host ay kung saan nga ba nag-ugat ang insecurities na ito? “Di ko rin po maisip. Kilala ko po ang sarili ko, habang tumatanda talaga, mababa na po talaga ang tingin ko sa sarili ko. Parang wala na talaga akong confidence. Parang sa lahat ng gagawin ko, parang iniisip ko lagi, hindi ko siya kaya,” matapat na pag-amin pa ni Maine.

Naungkat din na noon pa pala ay gustung-gusto na ni Maine ang mag-artista at hindi nga niya inakalang magkakaroon ito ng katuparan.

“Feeling ko po kasi, I don’t have what it takes to be an artist. Mababa po kasi ang tingin ko sa sarili ko. Parang tingin ko po, wala akong talent. Feeling ko, wala akong kayang gawin sa mga typical na ginagawa ng isang artista, ” sabi pa ni Maine.

maine and aldenHulog ng langit din ang pagkakasali ni Maine sa segment ng Eat Bulaga na ‘Juan For All, All For Juan’ dahil ito ang naging daan upang magkaroon siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili.

“Feeling ko, ito na po ang chance ko. Hindi ko na ihu-hold back ang sarili ko. I need to step out of comfort zone din po kasi. ‘Yun ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin,” sambit pa ni Maine sa interview sa kanya ni Ms. Jessica.

Naitanong din sa kanya ng batikang TV host kung ano ba sa tingin ni Maine ang nagawa niya upang makamtan ang ganito kalaking suwerte sa mundo ng showbiz?

“Lagi ko pong tinatanong ang sarili ko kung ano pong nagawa ko para makapunta po dito; kung ano pong meron ako; kung ano pong nagawa ko na di kayang gawin ng iba. Bakit ‘yun nangyari po sa akin, ‘yung pagtanggap po ng tao, bakit ganun. Di ko po alam. Plinano po talaga siguro ni Lord na ganito,” pahayag pa ni Maine na isa sa bida ng MMFF entry na My Bebe Love kasama sina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto.

maine and alden 2Hindi nga raw pumapasok sa isipan niya ang kasikatang tinatamasa.
“Sobrang overwhelming po. Honestly, hindi pa rin po nagsi-sink in lahat ng nangyayari.
“Hindi ko pa po siya iniisip, so hindi pa siya napa-process ng utak ko.”
At sa kabila ng katanyagan at hindi mapigilang pagdami ng kanyang mga tagahanga ay nanatili pa ring nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa at hindi raw lumalaki ang kanyang ulo. Taliwas sa ilang napapabalita.

“Ako po kasi, yung parents ko, lagi po nilang sinasabi sa akin na huwag po akong magbabago. So, parang yun din po ang inilalagay ko sa utak ko na kahit ano pong magbago, kahit sa kasikatan, kahit ano pong madagdag sa akin, iniisip ko na kailangan ganun pa rin ako, tulad pa rin ng dati.”
Ang pinakamalaking bagay daw na nadiskubre ni Maine sa kanyang sarili ay ang huwag matakot na harapin ang lahat ng bagay.

“Isa lang pong major talaga nadiskubre ko—na may kakayahan akong gawin ang mga bagay-bagay. And ngayon po, with Eat Bulaga, nalalabas ko po kung may talent man akong masasabi at mas nakikilala ko ang sarili ko. Mas nagiging kumportable, mas nagiging confident ako,” pagwawakas na pahayag ni Maine.

Leave a comment

Leave a Reply