
Maria Ozawa talks about her encounter with local celebrity lookalike Angelica Panganiban
Marami ang nakapansin sa malaking pagkakahawig ng Japanese porn star na si Maria Ozawa sa magaling at award-winning actress na si Angelica Panganiban. Kaya naman maging sa pagpro-promote ng kanyang movie na “Nilalang” na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival, nagkaroon siya ng chance na makasalamuha nang personal ang Kapamilya actress.
Did you know that you have a local celebrity lookalike in the Philippines?
“Yes, I was told,” sagot ni Maria.
Did you get the chance to meet her in person?
“Yes. I was lucky to meet her,” aniya.
How did she react when you saw her and vice versa?
“Oh, My God, she’s my double. She’s very nice and pretty and I’m happy to meet her in person. She’s also very warm and friendly,” pagbibida niya.
Si Angelica Panganiban ay nakilala ni Maria noong maging panauhin siya sa “Banana Sundae,” isang Kapamilya gag show (dating Banana Split), as part of her promo tour to promote her MMFF entry movie na “Nilalang.”
Ang nasabing episode ay mapapanood pa lang sa December 20 episode ng nasabing programa.
Are you willing to work with her in your future projects?
“Of course, it would be nice for us to play as sisters,” bulalas niya.
After “Nilalang,” what type of projects do you want to do as a follow-up?
“I want to do a mistress movie. I also want to do a comedy,” saad niya.
Is your stay in the Philippines for good?
“Yes. I go back and forth from Japan and the Philippines because I do some business here. Hopefully, I’ll do more movies in the Philippines.”
Si Ozawa ang president ng Lilly Promotion Company Limited na naka-base sa Japan.
Any leading man in mind for your next project?
“None yet,” pakli niya.
Have you met Robin Padilla who was the original choice as your leading man in this movie?
“No, I haven’t met him yet, but I would love to meet him in person,” pagwawakas niya
Happy din si Maria Ozawa na unang pelikula pa lang niya sa bansa ay magku-compete na sa 2015 MMFF.
Dagdag pa ni Maria, excited din siya dahil malamang ay sasakay din siya sa float ng “Nilalang” sa annual parade ng mga karosa ng mga kalahok sa taunang MMFF.
Kung sakali, first time din niyang mag-i-spend ng Christmas sa bansa.
Si Ozawa ang leading lady ni Cesar Montano sa action suspense thriller na “Nilalang” na idinirehe ni Pedring Lopez at iprinudyus ng Haunted Tower Pictures, Parallax Studios, Viva Films at ng We Love Post Productions.
Papel ni Miyuki, anak ng isang Yakuza leader sa Pilipinas ang role ni Maria sa “Nilalang”.
Kabituin ni Maria sina Cesar Montano, Meg Imperial, Yam Concepcion, Cholo Barretto, Kiko Matos , Dido dela Paz, Ruby Ruiz at marami pang iba.
Ang “Nilalang” ay magsisimulang magbukas sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.