
Camille Prats shares details of her wedding day
by PSR News Bureau
May kasabihan tayo na palaging mayroon pang isang pagkakataon. Nagkatotoo ito para sa aktres na si Camille Prats. Maagang nabiyuda ang aktres mula sa kanyang unang napangasawa na si Anthony Linsangan na naging biktima ng nasopharyngeal cancer noong taong 2011. Naiwan ni Anthony ang kaisa-isang anak nila ni Camille na si Nathan. Binigyang muli ng pagkakataon ng Diyos si Camille upang lumigaya. Ngayon nga ay nakatagpo siya ng isang taong mamahalin silang mag-ina at muling bumuo ng isang masayang pamilya.
Bagamat sa taong 2017 pa balak muling magpakasal nina Camille at ng bago nitong pag-ibig na si VJ Yambao, ngayon pa lang ay aminado na ang dalawa na isinasaayos na nila ang kanilang pag-iisang dibdib. Kabilang ang designer na si Patricia Santos at wedding planner na si Christine Ong Te sa mga preparations ni Camille para sa kanyang big day. Nag-post pa nga si Camille sa kanyang Instagram account ng: “First meeting with the very young and talented @patriciasantos03. Thaaank you for the gift of friendship. Will be seeing you more often than usual.”
Excited na nga halos ang lahat sa nasabing kasalan. Lahat ay masaya para kay Camille. Ilan sa naging celebrity clients ng designer na si Patricia sina Jennylyn Mercado, Aubrey Miles, Maja Salvador at Jasmine Curtis-Smith. Si Christine naman ang naging wedding planner ng GMA news anchors na sina Raffy Tima at Mariz Umali noong ikinasal ang dalawa taong 2012.
Matatandaang nag-propose si VJ kay Camille noong July 18 ng kasalukuyang taon sa Nayomi Sanctuary Resort na pag-aari ng pamilya Prats sa Balete, Batangas.