
Vic Sotto’s son Vico runs for Pasig councilor
by PSR News Bureau
May isa na naman sa mga angkan ng Sotto ang nagbabalak na pasukin ang magulong mundo ng pulitika. Nais kasing sundan ni Vico, anak ni Vic Sotto kay Coney Reyes ang yapak na tinahak ni Senador Tito Sotto na kanyang tiyuhin. Balak kasing tumakbong konsehal ng binata para sa District 1 ng Pasig City. Wala naman daw pagtutol si Vic sa balak ng anak. “Yes, he’s running for councilor. As a matter of fact, noong mag-usap kami, he really tried to convince me with his decision. Maliit pa lang siya, gusto niya talagang magtrabaho sa government, interesado na siya sa public service,” pagmamalaki pa ni Vic.
“I think it’s the right time. Marami siyang alam sa batas [Vico is a lawyer, nagtrabaho ito at ilang taong nanungkulan sa Public Attorney’s Office under Atty. Persida Acosta]. He really wants to make a difference sa ating current political situation.”
“Nung umpisa, hindi po ako pinayagan ni Dad [Vic], but I was persistent, I told him what my plans are and my intentions. So eventually, I was able to convince him and he gave me his blessings,” sabi naman ni Vico.
Vico’s working for an NGO of Ateneo na namamahagi ng bagay-bagay na patungkol sa good governance. Wala ka naming itulak kabigin sa binatang si Vico. He’s a political science graduate from the Ateneo De Manila [Batch 2011].
Hindi man naging interesado si Vico sa showbiz gaya ng ilang anak ni Vic tulad nina Danica at Oyo [mga anak ni Vic kay Dina Bonnevie], halos kasing gulo rin ng pulitika ang mundo ng showbiz. Wala bang pag-aalinlangan si Vic sa papasukin ng anak?
“He knows that, he’s very much aware of that. Kaya nga gusto niyang pasukin para makatulong siya sa paglilinis. If you read his blogs, his Twitter accounts, malalaman mong he’s very sincere. What he wants to do is to make a difference,” paliwanag ni Vic.
Bilang ama ni Vico, all-out daw ang ibibigay na suporta ni Vic sa anak. Naniniwala ito sa kakayahan ng anak. Sasama nga rin daw ito sa campaign sorties ng anak. “Of course, all-out support ako kasi I believe in his advocacy. Kami ng mama [Coney] niya. Ang buong pamilya, nandito para kay Vico.”
Marespetong bata si Vico. Kapag nakilala ninyo siya sa personal, matutuwa kayo sa kanya dahil may kakaibang charm ang binata. Marami ang nagsasabing mas kamukha niya si Coney pero kasing katawan siya ni Vic, kaboses ni Vic at pati ang demeanor ni Vic ay kuhang-kuha niya rin. Hindi maipagkakailang anak siya ni Bossing.
Ang maganda pa kay Vico, he gets along with all his half brothers and half sisters. Mayroon siyang dalawang half siblings na anak naman ni Coney sa dati nitong asawa na si Larry Mumar. Mayroon din siyang mga kapatid na anak naman ni Vic gaya nina Danica at Oyo [kay Dina Bonnevie] at Paulina [kay Angela Luz]. Ganun pa man, ayon na rin mismo kay Vico, magkakasundo silang lahat. “Pantay-pantay ang pagtingin sa amin ni Daddy. He’s very generous sa aming lahat, very caring. We may not be together under one roof, but each time I need him, he makes sure he’s there,” pakli ni Vico.
Has he met Pauleen Luna, Vic’s bride-to-be? “Yes po. We’ve met twice with the family. But we’re not that close.”
Is he going to attend his Dad’s wedding?
“Of course, I’ll be there. All his children will be present po. In fact, I had just gotten myself a suit.”
How about yung mommy niya [Coney], is she coming to the said wedding too?
“I don’t think so. But my Mom’s happy for Dad, that’s for sure.”
Vico’s very articulate, very honest at mararamdaman mo rin sa kanya yung sincerity at yung warmth niya sa iyo bilang tao, hindi magtataka ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kung hindi lang pagiging konsehal ang maabot na tagumpay ni Vico sa larangan ng pulitika. This guy will definitely go a long way!