
Kathryn Bernardo confirms she’ll be joining LP’s campaign sorties
by PSR News Bureau
Kinumpirma ni Teen Queen Kathryn Bernardo na sasama nga siya at tutulong sa pangangampanya ni Liberal Party standard bearer and presidentiable Mar Roxas sa upcoming 2016 elections.
“Excited na nga ako na sumama sa campaign sorties. Masaya siya at nakaka-enjoy,” bungad ni Kathryn.
“I’m nineteen now and this is my first time to vote. Kaya lalo akong nae-excite,” dagdag pa niya.
Matatandaang opisyal na inanunsiyo ni Korina Sanchez, asawa ni Mar ang desisyon ni Kathyrn at Daniel Padilla na ka-loveteam ng dalaga na i-endorse si dating DILG secretary Mar Roxas sa pamamagitan ng Instagram noong November 22.
Naging ugat nga ang nasabing endorsement ng isyu at kumalat na balitang ‘tiwalag’ na ang batang aktres sa kinabibilangan nitong Iglesia Ni Cristo [INC] na kilala sa kanilang tinatawag na blocked-voting.
Nagtataka ang marami kung paano nagawa ng batang aktres ang mag-endorso ng isang pulitiko gayung hindi pa naman nagbibigay ng sariling ieendorso ang pamunuan ng INC. Nanatiling tikom ang bibig ni Kathryn, ang kanyang pamilya at maging ang ABS-CBN ukol dito sa nasabing kontrobersiyal na isyu.
Tungkol naman sa isyu ng inggitan umano sa pagitan ng mga loveteams ng ABS-CBN, binigyang linaw ito ni Kathryn. “Nagpapasalamat ako sa KathNiel na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at patuloy na nagbibigay ng suporta. Hindi naman kailangan mag-away-away kasi nasa isang network lang kaming lahat.”
Natuwa nga raw siya na nagkaroon sila ng pagkakataong makasama sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa station ID. “Yung mga tao lang naman ang gumagawa ng issue, pero kami ng Liz-Quen, super okay. Kung mabibigyan ng chance na mas makilala sila, why not? Parang magkaka-age lang naman kami, for sure masaya yun,” pagtatapos ni Kathryn.