
Is there another chance for KC-Piolo to get back together?
Para sa ilang fans ng tambalan nina KC Concepcion at Piolo Pascual, isang magandang senyales ang naganap sa ABS-CBN Christmas Special kamakailan lang. Napabalita kasing hinalikan ni Piolo si KC sa pisngi na ikinabigla ng dalaga. Mukhang bumalik na nga kahit paano ang pagiging komportable sa isa’t-isa ng dating magkasintahan. Nagyayakapan, nagbibiruan at heto nga ay may beso pa silang dalawa. Isang bagay ito na bagamat wala naman sigurong malisya sa kanilang dalawa ngunit sadyang ikinakatuwa ng fans at mga taga subaybay ng kanilang tandem na nagmula pa sa “Lovers in Paris” na TV series na ginawa nila noon.
Marami tuloy ang nagtatanong kung mauuwi daw ba kayang muli sa second chance ang kanilang pagiging magkaibigang muli? Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Sharon Cuneta na ina ni KC? Wala naming masama kapag nagkataong magkatotoo nga. Unang-una, single pa rin naman si KC at ganun din naman si Piolo. Binata na rin naman si Inigo na anak ni Piolo. Kung dati rati’y sinasabi lagi ni Piolo na mag-aasawa lang ito pagdating ni Inigo ng 18, aba’y lampas na ang ibinigay niyang ‘taning’ sa kanyang pag-aasawa. Si KC naman ay sinabi na pagdating niya ng 30 ay saka lang niya iisiping lumagay sa tahimik.
Mukha naming kahit paano’y mayroon pa rin silang nararamdaman para sa isa’t-isa. Siguro nga’y hindi lang nila maamin dahil na rin sa maraming nangyari. Pero ika nga’y nakapgpatawaran na silang dalawa kung anuman ang naging isyu nila noon. Hintayin na lang natin kung ano ang maaaring developments sa dalawang ito. Wala naman silang ginagawang pelikula sa kasalukuyan, pero hindi maitatanggi na naroon pa rin ang chemistry ng kanilang tambalan. Siguradong matutuwa ang fans nila KC at Piolo kung sakalaing muli silang magtambal sa isang proyekto kahit pa hindi sila ang magkatuluyan sa tunay na buhay.