May 24, 2025
Filipino designer Oliver Tolentino saves the day for Miss Philippines Pia Wurztbach
Home Page Slider Latest Articles

Filipino designer Oliver Tolentino saves the day for Miss Philippines Pia Wurztbach

Dec 18, 2015

by PSR News Bureau
oliverKung hindi dahil sa magaling at tanyag na designer na si Oliver Tolentino ay malamang na napilitang magsuot ng masikip na nightgown ang ating pambato sa Miss Universe 2015 na si Miss Philippines Pia Wurztbach kamakailan lang. Habang nasa bakasyon si Oliver sa Aspen, Colorado kung saan kasalukuyan itong nage-enjoy sa skiing hanggang sa makatanggap siya ng isang mahalagang tawag kung saan nangangailangan ng “national emergency” kaya’t kinailangan niyang putulin kaagad ang naturang bakasyon.

Kaagad na sinagip ni Oliver ang naging problema ni Pia dahil sa isang gown na hindi fit para sa dalaga na binili ng mga pamunuan ng Miss Universe beauty pageant noong panahon ng preliminary rounds. Nagpadala kaagad si Oliver ng 9 na iba’t-ibang gowns mula sa kanyang Beverly Hills boutique na nakarating naman agad sa Las Vegas na maaaring gamitin at pagpilian ni Pia para mayroon itong maisuot para sa nightgown competition. “Kahit ano gagawin ko para matulungan ang bansa,” tanging nasabi ni Oliver. “Gusto kong makapamili ng marami si Pia,” dagdag ni Oliver.

Spia wurztbacha huli ay pinili ni Pia ang isang kulay pula na sleeveless crepe de chine gown na mayroong embellishments na Swarovski-encrusted bodice at may mataas na slit para isuot sa nasabing preliminaries. “Sabi nila nagustuhan niya [Pia] ang gown at kumportable siya doon,” kuwento ni Oliver. “Nakapag-relax siya na mahalaga sa isang kandidato para sa gabi bago ang kanyang laban,” sabi ni Oliver, na isa sa maraming Filipino designers na nakapagbihis na ng mga rumampa sa Oscar, Emmy at Grammy award winners at nominees. “Kahit wala ako doon, masaya akong nakatulong kay Pia at sa Pilipinas,” pahayag ni Oliver na ilan sa mga kilalang personalidad na kliyente ay sina Jessica Alba, Emmy Rossum, Sophia Bush, Tara Lapinski at Carrie Underwood.

Si Pia ay ang kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Universe ngayong taon na ito. Siya ay nakikipagtunggali sa 80 na kababaihan sa buong mundo.

Leave a comment

Leave a Reply