May 24, 2025
Annabelle Rama tells women to stick with their husbands
This is it!

Annabelle Rama tells women to stick with their husbands

Dec 18, 2015

by Rommel Placente

1Sa isang interview ni Annabelle Rama ay binigyan niya ng advice ang mga babaeng may asawa na, na dapat daw ay huwag nilang hihiwalayan ang mga mister nila. Magtiis na lang daw sila kahit pa marami itong nagagawang hindi maganda sa kanila. Ang mga lalaki raw kasi ay ma-pride. Kapag hiniwalayan daw nila ito, tapos ay mahal pa pala nila at gusto nilang makipagbalikan ay hindi naman daw ito makikipagbalikan pa sa kanila.

Kung ganoon ang payo ni tita Annabelle, ibig bang sabihin nito nangyari yun sa kanya sa totoong buhay na nagtiis na lang siya sa mister niyang si Eddie Guttierez? Na kahit gusto niyang hiwalayan ito rati ay hindi niya ginawa. Pero nag-pay off naman ito dahil hanggang ngayon ay sila ay pa rin at iniwan na ni tito Eddie ang mga naging babae niya. Panalo pa rin si tita Annabelle, di ba?


 

Renz Michael dreams on directing his crush Nadine Lustre

renz michaelBukod sa pag-aartista, gusto rin palang makilala ng mainstay ng “Doble Kara” na si Renz Michael bilang isang direktor Kaya naman nag-aral siya ng Film Directing sa Asia Pacific Film Institute. Kung magiging isa nang direktor, ang unang-unang gustong idirek ng gwapong young actor ay ang kanyang bunsong kapatid na si Martin Venegas. At gusto rin niyang maidirek ang crush niyang si Nadine Lustre. Naku, hindi kaya mag-react ang mga fans ng JaDine kapag nalaman nilang humahanga si Renz kay Nadine at gusto niya itong maidirek?

 

Leave a comment

Leave a Reply